Ang Tibay Ni Ate! Sinisi Yung Nilandi Niya, Bat Daw Siya Pinatulan

Isang misis na apat na buwan nang buntis ang dumulog sa himpilan ni Idol Raffy Tulfo. Hindi upang isumbong ang asawang nagloloko, kundi umamin na siya ang nagloloko. Wais nga naman, mauna na siya kesa ipatulfo pa siya ng asawa niya.

Pagamin

Agaran sinabi ni Ana Demandante na kaya siya dumulog ay meron daw siyang gustong aminin sa asawa niya. Kaya pinapasok na din agad si mister niya na si Jerry Demandante.

Pagpasok palang ni mister, halatang kabado na siya. Lalo naman umimpis ang galit niya nang tuluyan nang inamin ni Ana na nagkaroon siya ng relasyon sa kapitbahay nila.

Nang tanungin kung ano masasabi niya, minabuti ni Jerry na wag muna magsalita.

Baluktot na pagiisip

Naikwento ni Ana na ang dinadala niyang bata ay sa lalaki niya. Nang malaman daw nito na buntis siya, umamin na daw ito sa asawa niya at sinimulan na din takutin si Ana. Kaya naman napagpasyahan na ni Ana umamin din.

Tinawagan naman ng staff si Arnulfo Montery na agad din naghingi ng tawad sa ere. Ngunit bigla naman naging paatake ang mga sagot ni Ana.

Parang gusto pa niyang ipalabas na kasalanan ni Arnulfo. Bakit daw kasi siya pinatulan ni Arnulfo nung nilandi niya ito? Bakit daw sinagot ni Arnulfo mga tawag niya.

Gigil na mister

Bandang huli, di na mapigilan ni mister ang galit niya at kinompronta na si Arnulfo. Sinabi nito na alam naman daw ni Arnulfo na pareho silang pamilyado pero nakuha padin niyang galawin asawa niya.

Naghingi naman uli ng paumanhin si Arnulfo at natukso lang daw siya. Ayaw padin tumigil ni Ana sa kakabintang na bakit daw ba kasi siya pinatulan nito. Ayon pa kay Ana kung di gusto ni Arnulfo ay di siya papatol kahit anong pagtutukso gawin sakanya.

No choice

Matapos malaman ni Arnulfo ang pinagbubuntis ni Ana at umamin sa asawa niyo. Sinugod daw ng asawa nito si Ana, at nalaman ng lahat ng tao sa lugar nila ang nangyari.

Kaya naman wala na nagawa si Ana kundi pumunta kay Idol.

Panooring ang video dito.

Source: YouTube

Leave a Reply

Your email address will not be published.