Press "Enter" to skip to content

Ang Utos Ng Pangulo: Gawing Libre Ang Gamot At Paggamot Sa Mga Pilipino, Philhealth Planong Idelay?

Malacañang- Nagbigay ng babala ang Palasyo sa kagawaran ng Philhealth tungkol sa request nitong idelay ang pagpatupad nang batas sa ilalim ng Universal Health Care Program. Ang layunin ng batas na ito na iniutos ng Pangulo ay gawing libre ang mga gamot at pagpapagamot.

Ang pag delay

June,18- Ang Philhealth ay naghain ng proposal sa palasyo tungkol sa pag delay ng nasabing batas sa ilalim ng Universal Health Care Program na i-sinertpiko ni Pangulong Rodrigo Duterte at naipasa noon pang nakaraang taon.

Ang Pag delay- Philhealth
Photo Credit: Iloilotoday

Sinabi pa ni presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang televised breifing na ang naturang request ni Ricardo Morales ay walang legal na basehan. Si Ricardo ay siyang presidente ng nasabing kagawaran.

Ang layunin ng batas

Ang naturang batas ay iniutos ng Pangulo sa Philhealth na ipatupad, kung saan ang layunin nito ay gawing libre ang mga gamot gayundin ang pag papagamot ng mamayang pilipino. Samantala, nagbigay naman ng babala ang Malacañang na kung hindi nito magagawang maipatupad ito ay hahanap ang palasyo ng ibang gagawa nito.

Ang Layunin- Philhealth
Photo Credit: Journal.com

“Kung hindi ninyo po mapapatupad ang isang batas na sinertify urgent ng Presidente mismo, dahil ang nais niya magkaroon ng libreng gamot at libreng pagamot ang lahat ng Pilipino gaya ng ginawa niya sa Davao, eh siguro po hahanap na lang po ng iba na pupuwedeng magpatupad niyan,” -Roque

Ang korapsyon sa Philhealth

Sa kabilang banda ay sinabi naman ni Morales sa mga mambabatas na ang estado ng insurer ay inaasahang magkakaroon na ng kakulangan sa pondo sa susunod na apat na taon. Ito ay dahil diumano sa naging bunsod ng pandemyang COVID-19 na naging sanhi ng pagsasara ng ilang mga malalaking kumpanya na ang mga empleyado nito ay siyang nagbabayad ng mga premium dito. Pinabulaanan naman ito ni Roque at sinabi na ang dahilan diumano ng pagkawala ng mga pondo ay dahil sa korapsyon sa loob ng kagawarang ito.

Ang Korapsyin- Philhealth
Photo Credit: CanadianInquirer

“Mayroon po kasing insider mismo na nagsabi na ang halagang nawawala sa PhilHealth dahil sa korapsyon ay hindi bababa sa P154 billion over a period of five years,” Roque said.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: