Press "Enter" to skip to content

Angel Locsin, Bumwelta Kay Senator Sotto Matapos Siyang Paratanggang Taga Suporta Ng NPA!

Manila, Philippines – Bumuwelta ang sikat na aktres na si Angel Locsin sa ginawang pag-like ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa isang tweet na nagsasabing taga-suporta ng New People’s Army (NPA) si Angel.

Bweltada ni Darna

Aniya,

“I saw that you liked this tweet. I will never support terrorists, nor will I ever support any kind of violence.”

Angel Locsin, Bumwelta Kay Senator Sotto Matapos Siyang Paratanggang Taga Suporta Ng NPA! 2
Photo Credits: Rappler

Dagdag pa ni Angel,

“You have the right to like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope we don’t get tagged as terrorist for doing so. Thank you.”

Opinion ni Angel sa Anti-Terror Bill

Matatandaan na kailanlang ay naging maingay ang aktres sa kanyang pagtutol sa pinapanukalang Anti-Terror Bill kung saan principal na awtor nito si Sotto.

Angel Locsin, Bumwelta Kay Senator Sotto Matapos Siyang Paratanggang Taga Suporta Ng NPA! 3
Photo Credits: ABS-CBN

Ang Anti-Terrorism Act of 2020 ay magbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa mga awtoridad upang magsagawa ng mga warrantless arrest sa mga pinaghihinalaang salarin at mag-write tap sa mga pinaghihinalaang terorista.

Batikos sa panukala

Ang naturang panukala ay umani ng batikos mula sa ilang grupong pangkarapatan. Mariin ang tindig ni Angel sa pagbabasura sa nasabing bill.

Angel Locsin, Bumwelta Kay Senator Sotto Matapos Siyang Paratanggang Taga Suporta Ng NPA! 4
Photo Credits: ABS-CBN

Sinagot naman ng Malacañang ang mga kritisimo tungkol dito at igniit na hindi babalewalain ng isinusulong na batas ang karapatang makapagpahayag nang malaya.

Samantala, dinipensahan din ng Palasyo ang ginawang pagsertipika bilang “urgent” sa Anti-Terror Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil apat na taon na raw itong nakabinbin sa Kamara.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: