Press "Enter" to skip to content

Angel Locsin, Hindi Napigilang Pumatol Sa Mga Bashers

Last updated on June 3, 2020

Nagbigay ng pangaral ang kapamilya actress na si Angel Locsin sa kanyang mga bashers. Ito ay matapos na sila ay sumalungat sa kaniyang isang post sa social media tungkol sa kung ano ba talaga ang kahalagahan ng mass testing ng COVID-19 sa bansa.

Mass testing

Hindi magpapatinag ang aktres sa kanyang paninindigan na mai-sulong ang mass testing kahit may ilang netizens ang hindi sang-ayon dito. Sa isang simpleng paghahambing ay ipinaliwanag pa niya ang ibig sabihin ng salitang “mass”.

Nauna nang binura ng netizen na kinilala sa user name na Carlos Blanco ang kaniyang tugon sa twitter na may kalakip pang screenshot mula sa isang Facebook user na nangngangalang Kevin Madali. Sila ay parehong nagpahiwatig ng kakulangan ni Angel ng “common sense” ukol sa tunay na kahulugan ng mass testing. Ngunit nakapag-screenshot ang aktres.

Matatandaan na ang sagutan ay nag-ugat sa twitter post ng aktres noong ika-18 Mayo kung saan nakasaad ang kanyang pagkadismaya sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Inanunsyo ng kalihim na iniiwan na ng awtoridad sa kamay ng pribadong sektor ang mga hakbang para matukoy kung sino ang mga positibo sa sakit na COVID-19.

“As much as possible, ini-increase natin ang capacity ng testing kaya nga we’re aiming na aabot tayo sa 30,000 (a day), pero in terms sa mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million (residents), wala pa pong ganyang programa at iniiwan natin ‘yan sa pribadong sektor,” Roque said in a Malacañang press briefing.

Bagamat, nilinaw naman ni Roque na ang mass testing na binanggit nya ay yaong kasing-lawig ng mass testing na ginawa sa Wuhan at ang kasalukuyang nang naisagawa ng pamahalaan ay targeted testing. Hindi naman nito ikinaila na ang mass testing ang nananatiling mahalaga.

Shop & Share Project

Isa lamang si Angel sa marami pang bituin ng industriya ng showbiz na aktibong nananawagan para maisulong ang mass testing. Sa kasalukuyan, katuwang ang aktres na si Anne Curtis, ay kanyang inilunsad ang proyektong “Shop & Share” kung saan una sa listahan ng ibinebenta ay ang kanyang sariling Sports Car na Red. Ang pondong malilikom ay siyang gagamitin upang makabili ng dagdag na test kits upang mas mapalawig pa ang COVID-19 mass testing.

Wala pang tiyak na petsang kung kailan sisimulan ang proyekto ngunit ilan pa sa mga celebrities na makikiisa ay sina Dimples Romana, Bea Alonzo, Regine Velasquez, Liza Soberano, Joshua Garcia, Vhong Navarro at iba pa.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: