Browse By

Angeli Khang, Inaming “Stepping Stone” Lang Ang Pagiging Sexy Star

Ayon sa Fil-Korean na sexy star na si Angeli Khang, isa lamang “stepping stone” ang pagpapaseksi niya sa mga pelikula para matupad ang nais niyang maging isang sikat na artista.

Nangarap si Angeli na magkaroon ng isang mabuting career sa showbiz sa bansang pinagmulan ng kanyang ama.

Ang simula

Maayos ang pagpapalaki kay Angeli kahit hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isang pastora ng isang religious community ang kanyang ina habang isang ex-military general ang kanyang ama.

Dahil siya ay nagtapos sa isang international school sa Pilipinas, hindi nakakagulat na nakakapagsalita si Angeli ng Tagalog ng mahusay. Siya ay nanirahan din sa Amerika ng halos dalawang taon.

Pumasok si Angeli sa mundo ng showbiz kung kailan patok-na-patok sa mga pinoy ang mga artistang taga-Korea at kanilang mga pelikula at palabas. Nakita niya na ito ay isang malaking advantage para sa kanyang career.

Photo Credit: Angeli Khang’s Instagram

Nagsimula si Angeli sa pagiging sexy star sa pelikulang Taya at nagkaroon agad ng starring role sa Mahjong Nights, kasama sina Jay Manalo at Sean de Guzman.

“Thankful po ako na half-Korean ako dahil kapag nalaman ng mga tao, naa-amaze sila, lalo na magaling ako magsalita ng Tagalog. Sabi po nila, nakakasabay ako sa mga pag-uusap.”

“Sobrang thankful ako na meron akong knowledge at asset na ganito.”

Angeli Khang, Oktubre 19, 2021

Kahit mas kinikilala sa buong mundo ngayon ang mga Korean celebrities, pinapangarap pa rin ni Angeli ang maging isang artista sa bansang pinagmulan ng kanyang ama.

“It’s a privilege po kung sakaling maging artista ako sa South Korea dahil it’s a Filipino pride and, I think, magiging blessed ako.”

Angeli Khang, Oktubre 19, 2021

Mahjong Nights

Photo Credits: RandomRepublika.com

Ang Mahjong Nights ay ang unang pelikula ni Angeli Khang kung saan siya ay ang may starring role. Hindi lamang ito tungkol sa isang regular na laro ng Mahjong, ngunit isang kwento ng mga lihim, pagnanasa, kamangmangan, at mga rebelasyon.

Inaral ni Angeli ang kumplikadong laro na mahjong na nagmula sa China para sa kanyang role sa pelikula kahit nahirapan ito sa umpisa.

Source: Pep.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.