April 16- Lahat ng rehistradong senior citizen sa buong bansa ay tatanggap ng 6-month advance social pension. Ito ay upang masustentuhan ang kanilang mga pangangailangan ngayong panahon ng krisis.
Mabuting balita
Sa mensaheng ibinigay ni Senior Citizens Party-List Representative Francisco Datol Jr., matatanggap na ng mas maaga ang anim na buwang halaga ng kanilang pension. Isasama pa rito ang nakabinbin nilang pension noong 2019.
Aniya, natupad na ang matagal na niyang hiling para sa mga senior citizen. Aasikasuhin na umano ng Department of Social Welfare (DSWD) ang halagang dapat matanggap ng bawat isa.

“Yung ating kahilingan tungkol sa naantalang social pension ng 2019 ay ida-download na ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) para yung mga senior citizen ay matanggap na yung mga hinihintay nilang pension noon pang 2019,”
“At pagkatapos, yung advance ng budget ng 2020, anim na buwan ang hintayin niyo, pagsasabayin na yun ng DSWD. Ito ay mga kahalingin ko na natupad na,”
Naantalang pensyon
Sa kasalukuyan, tumatanggap ang isang senior citizen ng Php500 kada buwan. Kung susumahin, tatanggap ang isang pensyonado ng Php3,000. Idadagdag pa sa nasabing halaga ang pension na hindi naibigay sa kanila noong nakaraang taon.

Kinuwestiyon ni Datol kung bakit marami sa kanilang miyembro ang hindi pa natatanggap ang kani-kanilang pension. Sagot ng DSWD, dumaan pa sa masusing beripikasyon ang mga nakarehistrong indigent senior citizen kung kaya ito naantala. Ito ay batay na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pakiusap
Nakiusap naman si Datol na kung maaari ay huwag muna lumabas ng bahay ang mga ito. Ito ay para na rin sa kanilang kaligtasan lalo pa at mas mataas ang tyansa na mahawahan ang isang may edad dahil sa mahinang kalusugan.
Siniguro din niya na makukuha ng mga ito ang biyayang nararapat sa kanila. Handa umano siyang tumulong na madinig ng pamahalaan ang kanilang daing.

“Marami pang biyaya ang tatanggapin niyo dahil alam ng ating Pangulo, ng ating pamahalaan, ng mga departamento ng gobyerno na ang sektor natin ay the most vulnerable sector ng ating lipunan,”
“Kaya nga sa sandaling ito, maghintay-hintay kayo at yung mga senior citizen na hindi pa dinadapuan ng mga biyaya, i-text lang ninyo sa atin dito sa Kongreso o sa aking email. Tandaan niyo, mabibiyayaan ang hindi pa nabibiyayaan,”
Inaasahan na halos lahat n senior citizen ay magagalak sa balitang ito. Malaking tulong para sa araw araw nilang gastusin ang perang matatanggap.
Source: GMA News
Nag 60 years old po ako noong June 2016. Hanggang ngayon po Abril 2020 wala po akong natatanggap na buwanang benepisyo mula sa Cebu City kung saan registrado akong botante. Nagfile na po ako sa OSCA ng Cebu City kaya may booklet po ako para sa discount sa supermarket at botika para sa aking maintenance na gamot. Ang alam ko marami pang tulad ko ang hindi rin nakakatanggap ng benepisyo. Sana ay matulungan ninyo kami. Salamat.