Press "Enter" to skip to content

Anne Curtis-Smith Nanganak Na

Last updated on March 18, 2020

March 02, 2020, nanganak na ang It’s Showtime host na si Anne Curtis. Isang healthy baby girl ang regalo ni God kina Anne at sa asawa nitong si Erwann Huessaff. Ang magandang balita ay in-announce ni Atty. Ferdinand Topacio sa kanyang Twitter account.

Baby girl

Ayon kay Topacio, nasa mga alas dos ng hapon ng manganak ay aktres sa isang hospital sa Melbourne Australia. Wala pang balak sana ang mag asawang Anne at Erwann na ilabas ang balita ngunit nadulas ang dila ni Nico Bolzico. Si Nico ay asawa ni Solenn Huessaff na kapatid naman ni Erwann. Ayon sa Atty. Topacio, wala siyang ideya na si Nico ang makakausap niya sa telepono at ang inisyal niyang balak ay makipag usap sa isang kaibigan na may ari ng isang piggery. Nagkataon naman na si Nico pala ang supplier ng feeds kaya siya ang nakausap niya.

Anne Curtis-Smith Nanganak Na 2

Matatandaang nanganak na ang asawa ni Nico noong January 1, 2020 at isa itong baby girl. Binati ni Atty. si Nico kung kaya di sinasadyang mabanggit na nanganak na rin si Anne at babae din ang kanyang anak. Nang mapagtanto ni Nico na nabangggit niya ang sikreto ng kanyang bayaw ay agad itong na guilty.

“ Congratulations, it is a girl….”-Atty. Topacio

“Anne just gave birth also. Two hours ago. It is also a girl,”

“Wala na, the cat is out of the bag, ano pa ang gagawin natin?” – Nico

No official statement

Balak sigurong sopresahin nina Anne at Erwann ang kanilang mga fans ngunit di sinasadyang lumabas agad ang balita. Sa ngayon, wala pa opisyal na pahayag ang magasawa ngunit siguradong haharap sila sa press kapag handa na sila.

Anne Curtis-Smith Nanganak Na 3


Dahil dito, bumuhos ang pagbati sa mag asawa mula sa mga kaibigan sa showbiz at mga fans. Lahat ay natutuwa at excited ng makita ang larawan ng baby girl ni Anne. Lahat ay nag iisip kung sino ang kamukha at ano ang pangalan ng bata.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: