Press "Enter" to skip to content

Año At Tugade Hiling Ang Pag-unawa Ng Publiko Hingil Sa Limitadong Transportasyon Sa Unang Araw Ng GCQ

Humingi ng paumanhin sa publiko sina Interior Secretary Eduardo Año at Transportation Secretary Arthur Tugade para sa pagkakaroon ng limitadong pampublikong transportasyon sa unang araw ng General Community Quarantine sa Metro Manila nitong Lunes.

‘Kaunting pag-unawa mula sa publiko’

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ng dalawang senior officers na pansamantala lamang ang sitwasyong nararanasan ng publiko ngayon.

Pahayag ni Año sa isang press briefing sa Malacañang,

“Phasing by phasing po tayo. Kaunting pasensiya lang, mahirap naman kasi kung bibiglain tapos babalik na naman tayo sa ECQ na naman eh mas lalo pong di tayo makakausad, ” 

Año At Tugade Hiling Ang Pag-unawa Ng Publiko Hingil Sa Limitadong Transportasyon Sa Unang Araw Ng GCQ 2
Source: Rappler

Dagdag pa niya,

“Kaunting pakiusap at pag-uunawa sa ating publiko at malalampasan din naman natin ito. Maganda nga po nakarating na tayo sa GCQ sana ay huwag na tayong babalik sa ECQ (enhanced community quarantine) o modified ECQ.”

‘Limited, gradual, partial, and calculated approaches’

Sa pahayag naman ni Tugade, ang pagbabalik ng maayos na pampublikong transportasyon ay kailangan dumaan sa proseso.

Aniya,

“Humihinigi ho ako sa inyo ng kapatawaran at understanding. Ito ho ay panandalian lamang. Hopefully the time will come when majority will benefit in comfort and convenience with all the improvements we are trying to do at this time”, 

Año At Tugade Hiling Ang Pag-unawa Ng Publiko Hingil Sa Limitadong Transportasyon Sa Unang Araw Ng GCQ 3
Source: Manila Bulletin

Ibinalik ang pampublikong transportasyon nitong Lunes, ika-1 ng Mayo, bagama’t limitado at ‘di kayang maakomodeyt ang lahat.

Pagpapaliwanag ni Tugade,

“Wala ho kaming pinangako o sinabi na ang transportasyon ay magiging extensive and will meet the requirements of all on the first day of GCQ and even in the duration of the GCQ for that matter.”

Año At Tugade Hiling Ang Pag-unawa Ng Publiko Hingil Sa Limitadong Transportasyon Sa Unang Araw Ng GCQ 4
Source: Manila Bulletin

Dagdag pa niya

“Meron pa hong mga limitasyon ‘yan, kaya nga at ang binabagtas namin na approach sa transportatyon ay yung tinatawag naming limited, gradual, partial, and calculated… Sa ganitong paraan talagang meron pong mapapahirapan, magkakaroon ng inconvinience.”

Libreng transportasyon

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagpadala ang Armed Forces of the Philippines ng 48 na mga bus upang tumulong sa kasalukuyang sistema ng transportasyon sa buong Metro Manila.

Año At Tugade Hiling Ang Pag-unawa Ng Publiko Hingil Sa Limitadong Transportasyon Sa Unang Araw Ng GCQ 5
Source: Rappler

Sinabi ni Lorenzana na anim sa 48 mga bus ang na-deploy sa lugar ng Commonwealth kung saan maraming mga commuter ang na-stranded ng ilang oras.

Aniya, 

“Kaninang umaga nag-dispatch ‘yung Armed Forces ng 48 buses sa MMDA at sila ‘yung nagdi-dispatch din kung saan kailangan. Sa 48 na trucks at buses, anim ang nai-dispatch sa Commonwealth”, 

‘Phasing by phasing po tayo’

Ang bahagyang pagtakbo ng sistema sa pampublikong transportasyon ay gagawin sa dalawang yugto. Ang unang yugto na mangyayari mula ika-1 hanggang 21 ng Hunyo ay magpapahintulot sa mga tren at pagdaragdag ng bus, taxi, transport network vehicle services, shuttle services, point-to-point buses, at mga bisikleta.

Año At Tugade Hiling Ang Pag-unawa Ng Publiko Hingil Sa Limitadong Transportasyon Sa Unang Araw Ng GCQ 6
Source: GMA News

Samantha, ang pagpasada ng mga tricycle ay nakadepende sa pag-apruba ng lokal na yunit ng pamahalaan, habang ang mga bus sa probinsya ay hindi pa rin pahihintulutan sa pagpasok at paglabas sa Metro Manila.

Sa kabilang banda, ang pangalawang yugto ay maisasakatuparan mula ika-22 hanggang 30 ng Hunyo, na magpapahintulot sa mga public utility buses, modern public utility vehicles (PUVs) o jeepneys, at UV Express vehicles na mamasada.

Ang mga carriers tulad ng AirAsia, Cebu Pacific, at Philippine Airlines ay kasalukuyang naghahanda rin upang ipagpatuloy ang mga flight sa unang linggo ng buwang ito.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: