Press "Enter" to skip to content

Ano Ba Talaga Cardo? Matapos Awayin Ang “Nasa Taas”, Coco Martin, Nagmamakaawa Na Sundin Ng Publiko Ang Gobyerno

Matapos umani ng samu’t saring pagbatikos ang aktor na si Coco Martin na mas kilala bilang si Cardo Dalisay sa programang Ang Probinsyano dahil sa galit na galit na video nito laban sa pamahalaan, ngayon naman nakikiusap siya sa publiko na sumunod na sana ang mga ito sa gobyerno.

Panawagan ni Cardo

Ang panawagan ay ginawa ng aktor kahapon, Mayo 19, sa pilot episode ng “Promdibate”. Aniya, makipag tulungan na sana ang publiko sa gobyerno at sa panuntunan nito upang matapos na ang krisis ng COVID-19.

Ano Ba Talaga Cardo? Matapos Awayin Ang “Nasa Taas”, Coco Martin, Nagmamakaawa Na Sundin Ng Publiko Ang Gobyerno 2

Aniya, “Nakikiusap po kami sa lahat ng mga Filipino na sana po ay sumunod tayo sa panuntunan ng ating gobyerno. Hanggang ngayon po ay wala pa ring gamot laban sa virus na kumakalat sa buong mundo. Marami na po ang namatay at patuloy pa rin po ang pagkalat ng virus.”

Dagdag pa niya, “Sa ngayon po, tanging disiplina at pakikipag kooperasyon ang ating panlaban. Pagod na pagod na po ang ating frontliners at marami sa ating doctors at nurses ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mailigtas lang po tayo. Kaya please nakikiusap po kami sana po ay sumunod naman tayo.”

Galit ni Coco

Matatandaan na kailan lamang ay naging usap usapan sa social media ang tila ba bulkan na pagsabog ng galit ni Coco Martin. Ito ay dahil sa pag kwestiyon nito sa pagkakasara ng media network na ABS-CBN kung saan siya nagtatrabaho.

Ano Ba Talaga Cardo? Matapos Awayin Ang “Nasa Taas”, Coco Martin, Nagmamakaawa Na Sundin Ng Publiko Ang Gobyerno 3

Sinisisi niya ang NTC pati na ang ibang “nakatataas” dahil sa pagsasara nito. Aniya, mas inuna pa nila na ipasara ang nasabing network kesa ang tumulong sa mga apektado ng krisis. Naging trending pa nga ang linya niyang, “Hindi lang ito laban ng ABS-CBN, kundi laban ito ng bawat pilipino”.

Huwag idamay ang publiko

Umani siya ng samu’t saring pagbatikos ang aktor dahil dito. Sabi ng ilang netizen, huwag silang idamay ni Coco Martin. Nung kumikita umano ang aktor ay hindi naman sila nito binahaginan ng kita, kaya ngayon problemado ang mga ito ay huwag sana silang idamay.

Ang Promdibate ay isang online rap battle show na mula sa Dreamscape. Tumatayong bilang host si Kim Molina at Jerald Napoles na kilala bilang kasamahan ni Coco sa programang Ang Probinsyano.

Source: Inquirer Bandera

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: