Press "Enter" to skip to content

Anong Pakialam ‘Nyo, Inggit Lang Kayo’: Idol Raffy, Nagsalita Na Tungkol Sa Kaso Ni Francis Marcos

Dahil sa paulit-ulit na panawagan ng mga netizen sa batikang broadcaster na si Raffy Tulfo, nagbigay na ito ng kanyang komento ukol sa kontrobersyal na pagkaka aresto sa businessman at Youtuber na si Francis Leo Marcos.

Panawagan kay idol

Aniya, dati pa may tumatawag at nag tetext na sa kanya na magbigay ng pananaw tungkol kay FLM ngunit ito ay tinatanggihan niya dahil sa ang programa niya ay para sa mga nagrereklamo na nais ng hustisya. Iba umano ito sa kaso ni FLM dahil wala naman nagrereklamo sa kanya ukol dito.

Ngunit ngayon inaresto na si FLM ng National Bureau of Investigation o NBI ay mas lalong dumagsa ang pakiusap sa kanya na magbigay ng komento ukol kay FLM. Dahil dito, inisa-isa ni Tulfo ang mga kontrobersyang pumapaikot sa nasabing personalidad at ipinaliwanag ito katulong si Atty. Garreth Tungol.

Tama ang ginawa ng NBI

Anila, legal ang ginawang paghuli ng NBI kay FLM. Hinuli nila ito dahil nag issue ng warrant of arrest ang korte laban kay FLM. Kung sakaling hindi ito ginawa ng nasabing ahensya, sila naman umano ang mapuputukan. Lalabas kasi na hindi ginagalang ng NBI ang utos ng korte kaya maari silang ireklamo ng Contempt of Court.

Anong Pakialam ‘Nyo, Inggit Lang Kayo’: Idol Raffy, Nagsalita Na Tungkol Sa Kaso Ni Francis Marcos 2

Sa tanong kung bakit may mga reklamong hindi inaaksyunan ng NBI, sagot ni idol Raffy, kailangan pa itong pag aralan, alamin ang lokasyon ng suspek at iproseso ng NBI bago mahuli ang pinapaaresto. Sa kaso naman ni FLM, dahil sa pagiging sikat nito sa social media, alam na halos ng buong bansa ang kinaroroonan nito. Malaking pag kwestiyon ang haharapin ng NBI kung hindi pa nila huhulihin kahit alam na nila kung saan ito naroroon.

Tunay na pangalan ni FLM

Kinukwestiyon din ng marami ang tunay na pagkakakilanlan ni FLM. Ayon kasi sa mga kumakalat na balita, ang tunay na pangalan umano nito ay Norman Mangusin. Sagot ni idol, dapat pagbigyan ng NBI ang hiling ni FLM na tanungin ang kanyang ina kung paano siya naging Francis Leo Marcos.

Anong Pakialam ‘Nyo, Inggit Lang Kayo’: Idol Raffy, Nagsalita Na Tungkol Sa Kaso Ni Francis Marcos 3

Dapat iberipika ng NBI sa National Statistic Office o NSO kung talagang Francis Leo Marcos nga ang kanyang naka rehistrong pangalan. Kung mapapatunayan na hindi talaga ito ang tunay niyang pangalan, malaking tanong ito sa Philippine Statistic Authority kung bakit nakakalusot si FLM.

Yaman ni FLM

Sa mga kritiko ni FLM na kumukwestiyon sa pinanggalingan ng kayang yaman, sagot ni idol,’Anong pakielam ‘nyo,.inggit lang kayo’. Kung tumutulong man si FLM sa taong bayan, wag na pakielaman kung pera naman nito ang ginagamit. Ngunit magkaganoon man, dapat pa rin alamin ng NBI ang tunay na halaga ng yaman ni FLM at alamin ang tunay niyang pinagkakakitaan.

Dapat umanong iberipika sa BIR kung tama ba ang binabayad nitong buwis. Ayon kay FLM, milyonaryo siya, kung kaya dapat malaki ang binabayad nitong buwis sa BIR. Kung mapapatunayan na kulang o mali ang halaga ng binabayad ni FLM na tax, panibagong kaso ito laban sa kanya.

Lumutang na ang may alam

Ayon kay idol, wala umanong masamang tumulong lalo ngayon panahon ng krisis. Ngunit dapat umanong malaman ng mga tinutulungan kung saan galing ang ibinibigay sa kanila. Nasa kanila na umano ang desisyon kung tatanggapin nila ang tulong matapos malaman ang pinagmulan.

Sa huli, pinayuhan ni idol na lumutang ang mga may alam sa kaso ni FLM. Ito ay upang malinawan na at matapos na ang kasong ito. Maari umanong lumapit sa kanyang programa o sa NBI ang nais magbigay ng impormasyon.

Raffy Tulfo nagsalita na sa pag aresto ng NBI kay FLM

Raffy Tulfo nagsalita na sa pag aresto ng NBI kay FLM

Posted by FLM News & Updates on Wednesday, May 20, 2020

Source: Francis Leo Marcos Supporters Group

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: