Press "Enter" to skip to content

Anti-COVID-19 Vaccine Mula Russia, Ligtas bang Gamitin sa Pilipinas?

Matapos ang halos dalawang buwang human testing, ibinalita ni Russian President Vladimir Putin na aprubado na ng kanilang bansa ang Sputnik V, isang COVID-19 vaccine. Ligtas na kaya itong gamitin kapag dumating na sa Pilipinas?

Nasa phase 3 pa

Sa isang panayam nitong Miyerkules, sinabi ni Department of Health (DOH) spokesperson Maria Rosario Vergeire, na nasa phase 3 pa rin ng clinical trials ang bakuna at kailangan pa itong tapusin.

Anti-COVID-19 Vaccine Mula Russia, Ligtas bang Gamitin sa Pilipinas? 2
Source: GMA News TV

Pinag-uusapan na raw ng vaccine experts panel ng Department of Science and Technology (DOST) kung kakailanganing magsagawa ng isa pang trial kapag dumating na sa Pilipinas ang bakuna.

“Although doon po sa initial findings sinasabi po nila doon sa kanilang report na mukhang maganda naman ang ipinapakita doon sa mga nabigyan, pero wala pa pong conclusive findings po ‘yan kaya kailangan hintayin pa rin po natin kung ano po talaga ‘yung magiging resulta,” sabi ni Vergeire.

Binaggit din ni Vergeire na P2.4 bilyon ang budget na inilaan ng DOH para sa bakuna sa mula 2021 budget nito.

6 na bakuna kontra COVID-19

Sa kabuuan, nasa anim na bakuna mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang tinitingnan at pinag-aaralan na ng gobyerno.

“Ito po ay pinag-aaralan na nating lahat para makita natin kung ano ‘yung most appropriate na puwede po dito sa Pilipinas,” anang tagapagsalita ng DOH.

Wala pang go signal

Ipinahayag rin ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang go-signal para gamitin sa bansa ang Sputnik V dahil kailangan munang magkaroon pa dito ng ibayong pag-aaral at makakalap ng pang impormasyon.

Anti-COVID-19 Vaccine Mula Russia, Ligtas bang Gamitin sa Pilipinas? 3
Source: Business Mirror

“Depende pa ‘yan. We have to learn more about it,” sabi ni Duque nang hingan ng komento sa pahayag ni Pangulong Duterte na tinatanggap niya ang alok ni Putin na pagkalooban ng bakuna ang Pilipinas.

Pag-review sa bakuna

Ayon naman kay Food and Drugs Administration (FDA) Director General Eric Domingo, maaaring tumagal ng hanggang apat na linggo ang pag-review sa COVID-19 vaccine ng Russia.

Anti-COVID-19 Vaccine Mula Russia, Ligtas bang Gamitin sa Pilipinas? 4
Source: Bulgar Online

“Ang FDA, sinusuri niya lahat ng data. Kailangan maipakita po sa amin ‘yung data, findings, tsaka ‘yung scientific na mga information about the vaccine to assure na safe siya at tsaka effective siya,” anang opisyal.

Source: gmanetwork.com

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: