Press "Enter" to skip to content

Apat Na Batang Magkakapatid, Naulila Matapos Mawalay Sa Pumunaw na Nanay At Tatay Na PUM

Naiwan sa kanilang bahay ang apat na batang magkakapatid na nakatira sa Minglanilla, Cebu, matapos pumanaw ang kanilang ina sa sakit na hypokalemia at sa amang kasalukuyang nakahiwalay ngayon habang iniimbistigahan kung may sakit na COVID-19.

‘Masakit man tanggapin, ngunit kailangan’

Driver ng truck ang amang si Junjie Bercero. Nawalay sa kanyang asawa isang araw matapos na isinugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center noong Mayo 9, Sabado.

Ang kanyang asawa ay inilibing kaagad sa isang pampublikong sementeryo sa Carreta, Cebu City. Namatay siya sa sakit na hypokalemia, isang kondisyon kung saan ang antas ng potassium sa dugo ay lubhang mababa.

Apat Na Batang Magkakapatid, Naulila Matapos Mawalay Sa Pumunaw na Nanay At Tatay Na PUM 2
Source: Channel News Asia

Edad 14, 9, 5 at 1 taong gulang at pitong buwan ang mga bata. Sa ngayon, dahil kasalukayan paring sumasailalim sa quarantine ang lugar hindi sila makadalaw sa kanilang yumaong ina.

Para kay Bercero, walang mas sasakit pa sa pagpanaw ng kanyang asawa sa isang sakit at sa pagkawalay niya sa kanyang mga anak.

Gayunpaman, mahirap man itong tanggapin, wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa mga alituntunin ng lokal na pamahalaan ukol sa community quarantine, ito’y pati na rin sa kaligtasan ng kanyang mga anak. Sa ngayon, kailangang sumunod ni Bercero sa 14 na araw na quarantine.

Apat Na Batang Magkakapatid, Naulila Matapos Mawalay Sa Pumunaw na Nanay At Tatay Na PUM 3
Source: Rappler

Pakikipagsapalaran sa buhay

Ipinaliwanag ni Counsilor Roy Nacario, mahigpit na binabantayan ng lokal na pamahalaan ng Minglanilla ang mga naturang hakbang, lalo na sa pagbabantay sa mga residenteng galing sa Cebu City at maging ang mga dumalaw sa kanyang asawa noong nasa ospital pa ito.

Aniya,

“Considered man siyang PUM maski pag wa pa gi-Covid iyang asawa. Gi-test na pud ni siya pero wala pay result.”

Sinabi ni Counsilor Nacario, mas mabuti pang manatili sila sa kanilang bahay, kahit na walang ibang kasama na kamag-anak, kaysa dalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil abala rin sa pag-aasikaso ang kagawaran para sa iba pang gawain.

Apat Na Batang Magkakapatid, Naulila Matapos Mawalay Sa Pumunaw na Nanay At Tatay Na PUM 4

Sabi ni Nacario,

“Mas safe sila sa ilaha. Naa ray mga silingan, lutoan silag pagkaon, gi-check sila kanunay. Naa ra man pud ko sa duol. Ang kapitan naa ra pud.”

Sa ngayon, si Nacario, na kanila ring kapitbahay, ang siya naring nangangalaga sa mga magkakapatid.

Dahil sa kahirapan, ang pamilyang Bercero ay nakipagsapalarang manirahan sa Purok Kalubihan, Sitio Panaghiusa-Dos in Barangay Tunghaan, kasalukuyang tirahan, mula sa Ozamiz City dahil umaasang gagaan ang kanilang pamumuhay rito, pahayag ni Marjun na panganay sa magkakapatid.

Apat Na Batang Magkakapatid, Naulila Matapos Mawalay Sa Pumunaw na Nanay At Tatay Na PUM 5
Source: Facebook

Pinatatag ng panahon

Kahit na lubhang masakit ang pagkawala ng ina, pilit parin na tinatatagan ni Marjun ang kanyang loob, lalo pa’t siya ang pinakamatanda at magtataguyod ng kanilang pamilya sa mga panahong ito.

Laking pasasalamat ni Marjun sa mga kapit-bahay nilang hindi sila tinuring iba maging sa mga taong nagpaabot sa kanila ng makakain, munting laruan, at salaping kanilang maipambibili ng mga kakailanganin nila sa pangaraw-araw tulad ng gatas at diapers.

Apat Na Batang Magkakapatid, Naulila Matapos Mawalay Sa Pumunaw na Nanay At Tatay Na PUM 6
Source: Facebook

Sabi niya,

“Namatay among mama kay nagsakit. Naa na gyud toy sakit daan. Kami lang sa diri ron. Daghan man pud mig silingan nitabang ug mga tawo na wa mi kaila.”

Si Marjun at ang kanyang kapatid na si Kathlyn, labing-siyam na taong gulang, ang sila ngayong nag-aalaga sa kanilang nakababatang kapatid.

Sa kabila ng pangungulila sa ina, pinapanalangin nila ngayon na sana’y malagpasan nila ang lahat ng mga pagsubok na nararanasan nila sa kasalukuyan.

Apat Na Batang Magkakapatid, Naulila Matapos Mawalay Sa Pumunaw na Nanay At Tatay Na PUM 7
Source: Philstar

Hinihiling din nila ang magandang kalusugan ng kanilang ama, ligtas at malayo sa sakit na COVID-19.

Sambit ni Marjun,

“Okay ra man mi diri. Daghan mang tawo diri sa among dapit. Naa ra puy nagbantay-bantay namo. Huwat lang mi kung kanus-a mauli among papa.”

Source: Philstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: