Press "Enter" to skip to content

Apela Ng NTC Sa Mga LGUs At HOAs Na Papasukin Ang Telco Frontliners Sa Kanilang Lugar

Panawagan nang National Telecommunications Commission (NTC) sa Local Government Units (LGUs) at Homeowners Associations (HOA) na papasukin ang kanilang telecommunications personnel sa kani-kanilang nasasakupang lugar. Ito ay upang matiyak ng NTC ang kaayusan ng internet connection sa bansa sa panahon ng Enhance Community Quarantine (ECQ)

Kahalagahan ng komunikasyon

Paliwanag ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, sa nagpapatuloy na COVID-19 ay mahalaga ang connectivity sa pagbangon ng bansa.

Apela Ng NTC Sa Mga LGUs At HOAs Na Papasukin Ang Telco Frontliners Sa Kanilang Lugar 1
Outsource Accelerator

Pahayag niya,

“Telecommunications now serve as one of our lifelines. Having internet at home or mobile data allows us to keep updated with the current COVID-19 crisis and helps us get connected with our loved ones.”

“Online grocery or food shopping, banking, study, consultation with medical experts, and entertainment are also some of the vital uses of the internet today.”

Work from home

Sa kasalukuyang pagpapatupad ng ECQ sa bansa, ay marami na ang mga negosyo na pilit pinag uubra ang work from home arrangements para sa kanilang mga empleyado. Kabilang nga dito ang industriya ng Business Processes Outsourcing (BPO).

Apela Ng NTC Sa Mga LGUs At HOAs Na Papasukin Ang Telco Frontliners Sa Kanilang Lugar 2
Thestar

Dahilan nga dito ay mas tumitindi ang pangangailangan ng nakararami sa internet access. Sa ganung paraan kase ay may oportunidad pa rin makapag trabaho sa gitna ng krisis.

Dagdag pang paliwanag ni Cardoba,

“Having steady and efficient internet access in the coming weeks is absolutely necessary. I appeal to LGUs and HOAs to allow telco personnel easy entry into their communities to ensure that we have dependable internet connection in the coming days.”

Ang apela

Umapela si Cardoba dahil sa mga sumbong na natatanggap ng NTC mula sa ibat-ibang telcos.
Anila, pinagbabawalan raw ng mga tauhan ng LGUs na makapasok ang mga technical field personnel nila sa mga gated villages.

Apela Ng NTC Sa Mga LGUs At HOAs Na Papasukin Ang Telco Frontliners Sa Kanilang Lugar 3
Dotmagazine

Nakatoka daw ang mga personnel para magsagawa ng repair work sa kanilang fixed broadband access cabinets. Ngunit di nga makagawa at makapasok ang mga ito dahil daw sa ECQ sa mga nasabing lugar.

Frontliners din

Simula pa lamang ng ECQ ay matatandaang nilinaw na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the COVID-19 Pandemic, na exempted ang mga tauhan ng telecommunication companies sa quarantine.

Ito ay para masiguro na maayos na tumatakbo ang serbisyo ng telco companies. Sa gayon ay magagamit ng maayos ang voice calls, text, at data services. Nilinaw ni Cordoba na frontliners din ang mga tauhan ng Telco.

Apela Ng NTC Sa Mga LGUs At HOAs Na Papasukin Ang Telco Frontliners Sa Kanilang Lugar 4
kamiangmedianidu30

Salaysay niya,

“The telco personnel out in the field are also frontliners. They are doing their job so you can stay safe at home. We need to allow them access to your areas to either connect new homes to the internet or fix technical issues. They need all our support and cooperation.”

Source: Radyo.inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: