Press "Enter" to skip to content

Apple At Google, Nagsanib Pwersa Sa Pag Gawa Ng Contact Tracing Technology Laban Sa COVID-19

Nakikilahok na ang mga software developers sa pandaigdigang laban kontra COVID-19.
Nag anunsyo ang Google at Apple Technology Company na sanib pwersang magtutulungan sa paggamit ng “Bluetooth technology” bilang tracing tools. Layunin ng dalawang kompanya na magamit ang teknolohiya upang mahinto ang patuloy na pagkalat ng pandemic na ito.

Tracing technology

Ang COVID-19 ay madaling kumalat at naipapasa sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha sa apektadong indibidwal. Dahil dito, ang paghahanap at pag subaybay (contact tracing) sa mga taong positibo at nakasalamuha nito ay mahalaga.

Maraming public health authorities, universities at non-government organizations ang nagsasagawa ng pag aaral para maka gawa ng tinatawag na “opt-in contact tracing technology.”

Apple At Google, Nagsanib Pwersa Sa Pag Gawa Ng Contact Tracing Technology Laban Sa COVID-19 1
Somagnews.com

Sa pagpapa sidhi ng pag gawa ng tracing tools ay maglulunsad ang Apple at Google ng komprehensibong solusyon. Inaasahang makakatulong ito sa pag sasagawa ng madaliang contract tracing saan man.

Kabilang dito ang pag gamit ng Application Programming Interfaces (APIs) at Operating System-level Technology para sa tracing.

Unang hakbang

Sa darating na Mayo ay gagawin ang unang hakbang upang maisagawa ang planong ito ng Apple at Google. Sila ay maglalabas ng APIs. Magbibigay kakayahan ito sa Android at iOS devices na gumamit at makapag palitan ng impormasyon.

Apple At Google, Nagsanib Pwersa Sa Pag Gawa Ng Contact Tracing Technology Laban Sa COVID-19 2
Wikimedia

Maisasagawa naman ang proseso, gamit ang Apps na mag mumula sa public health authorities. Makukuha naman ang nasabing App sa pamamagitan ng pag dodowload nito sa kanya kanyang app stores ng mga iOS at Android users.

Ikalawang hakbang

Sa mga darating na buwan ay palalawigin pa ng Apple at Google ang proyekto sa pamamagitan ng “bluetooth-based contact tracing platform.” Ayon sa dalawang kumpanya ay mas magiging matibay itong solusyon kumpara sa API. Dahilan ito sa mas maraming tao ang pwedeng makasali sa tracing kung gagamit nito.

Apple At Google, Nagsanib Pwersa Sa Pag Gawa Ng Contact Tracing Technology Laban Sa COVID-19 3
Pixabay

Gayunpaman, upang magamit ito ay kailangang maging bukas ang isang tao sa pag konekta at interaksyon sa iba pang gagamit ng App. Pangungunahan naman ito ng government health authorities.

Ang privacy

Parte ng matinding konsiderasyon sa pagsasagawa ng tracing tools ay ang pagpapa igting ng privacy, kalinawan at pahintulot sa mga gagamit upang umusad ang proyekto.

Sa pagbuo ng proyektong ito ay bukas daw sila sa konsultasyon at pag aanalisa ng publiko at ng iba pang interesadong partido.

Sources: Apple.com, Bloomberg.com

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: