Press "Enter" to skip to content

Aprubado Na Ng Senado Ang Pagpapaliban Sa Pagbubukas Ng Klase Ngayong Agosto

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukalang batas na bibigyan ang Pangulo ng awtorisasyon na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Agosto sa panahon ng pandemya.

Pag apruba ng Senado

Sa pahayag, sinabi ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian na inaprubahan ng 23 senador ang Senate Bill No. 1541. Ito ay walang negatibong boto at abstention. Pinasalamatan naman ni Gatchalian ang bomoto sa panukala dahil kinikilala nila ang kahalagahan nito at maaprubahan bago mag-sine die adjournment.

Iginiit ni Gatchalian na kapag naisabatas na ang panukala bago magbukas ang klase, magkakaroon ng flexibility ang Pangulo at Department of Education (DepEd) na kung bubuksan ang klase kapag patuloy ang banta ng virus at nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng mag-aaral, titser at mga non-teaching personnel.

Aprubado Na Ng Senado Ang Pagpapaliban Sa Pagbubukas Ng Klase Ngayong Agosto 2
Photo Credits: Rappler

Ang panukala

Samantala, inaamendahan sa panukala ang Section 3 ng Republic Act (RA) 7797 or “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days,”

Ayon kay Gatchalian,

Aprubado Na Ng Senado Ang Pagpapaliban Sa Pagbubukas Ng Klase Ngayong Agosto 3
Photo Credits: CNN Philippines

“Senate Bill No. 1541 authorizes the President, upon the recommendation of the Secretary of Education, to move the start of the school year during a state of emergency or calamity. SBN 1541 covers all basic education institutions, including foreign or international schools.”

Pag bubukas ng klase

Orihinal na inaatasan ng RA 7797 na magbukas ang klase sa unang Lunes ng Hunyo at huling araw ng Agosto. Matatandaan na si Gatchalian, ang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Dagdag pa niya,

Aprubado Na Ng Senado Ang Pagpapaliban Sa Pagbubukas Ng Klase Ngayong Agosto 4
Photo Credits: CNN Philippines

“The immediate effect of this legislation would be to empower the President to move the start of the School Year 2020-2021 to September or even later in the event that public health authorities would recommend the postponement of the school year in order to contain the spread of COVID-19.”

Aprubado Na Ng Senado Ang Pagpapaliban Sa Pagbubukas Ng Klase Ngayong Agosto 5
Photo Credits:.Rappler

Ani niya,

“Natutuwa po ako at nakapasa na sa senado ang panukalang batas na ito. Mahalaga ang pagpasok sa eskuwelahan ng mga bata, pero higit na mahalaga ang kanilang kaligtasan at kalusugan. Kaya bigyan po natin ng pagpapasya ang Pangulo ng Pilipinas at ang Kalihim ng Edukasyon upang baguhin ang petsa ng pasukan sa panahon ng pandemya habang walang kasiguraduhan sa kaligtasan at kalusugan ng kabataang Pilipino.”

Pawang substitute bill ang panukala mula sa pinagsama-samang hiwalay na panukala nina Senador Joel Villanueva, Francis Tolentino, at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: