Press "Enter" to skip to content

Arestado Ang Isang German Matapos Maging Suspek Sa Pagkamatay Ng Asawang Pilipina

Isang ginang ang nakitang nakahandusay at wala ng buhay sa loob mismo ng kanilang bakuran, ang suspek ay ang kaniyang asawang Aleman.

Baniyagang Asawa

Kamangha mangha ang mga mag asawa na dumadaan sa maraming pagsubok ngunit lalong tumitibay  ang pagmamahalan. Isang malaking challenge pa ay kung isang baniyaga ang iyong makakapareha, sapagkat napakaraming pag kakaiba iba ang dapat mong tanggapin at unawain. 

Arestado Ang Isang German Matapos Maging Suspek Sa Pagkamatay Ng Asawang Pilipina 2
Photo Credit: GMA News

Ngunit may isang pangyayari ang gumulantang at hindi umano akalain ng mga kamag anak ng isang pinay, na ang pakikipagrelasyon nito sa isang baniyaga ang tatapos sa kaniyang buhay. 

German na mister Arestado!

Arestado ang isang 75 na taong gulang na German National na si Martin Carl Otto Turk, suspek sa pagpatay sa kaniyang asawang Pinay. Naganap ang pag paslang sa kanilang tahanan sa Isla ng German, Brgy Ibaba Polo, Pagbilao Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, natagpuang nakahandusay ang katawan ng biktima sa loob ng kanilang bakuran at ito ay nasa state of decomposition na, nito lamang araw ng biyernes ika 26 ng Hunyo kasalukuyang taon.

Arestado Ang Isang German Matapos Maging Suspek Sa Pagkamatay Ng Asawang Pilipina 3
Photo Credit: GMA News

Bago pa man mangyari ang krimen ng Hunyo 24, nagsumbong na umano ang biktima na kinilalang si Basilisa Crisologo Turk na siya umano’y pinagbabantaang patayin ng suspek, ayon sa kapatid ng biktima.

Dagdag pa ng kapatid ng biktima, nagpasya siyang puntahan ang kapatid sapagakat hindi na ito makontak simula nung sila ay huling magkausap, at dun nga ay nakita niya itong walang buhay at nabubulok na sa loob ng bakuran nito bandang alas 3 ng hapon.

May War shock

Ayon sa mga netizen na nakakakilala sa baniyaga, nasa 40 taon ng kasama ng biktima ang baniyagang aleman, isa itong dating sundalo at nagkaroon ng war shock na dahilan ng kaniyang palaging paglalasing. Iginiit din ng netizen na ito, na mabait naman ang baniyaga at normal naman makitungo sa kanila. Kaya’t kahit sila ay nagulat ng mabalitaan ang pangyayari.

Arestado Ang Isang German Matapos Maging Suspek Sa Pagkamatay Ng Asawang Pilipina 4
Photo Credit: MANILA BULLETIN

Naaresto ang suspek sa tulong ng mga awtoridad at pansamatalang naka kulong sa Pagbilao MPS Custodial Facility. Hinahanda naman ang mga kasong posibleng isampa laban sa suspek. 

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: