Press "Enter" to skip to content

Army Reservist Itinulak At Dinuro-duro Ang Isang Lalaki Matapos Sitahin!

Dasmariñas Cavite- Sa isang video ay makikita kung saan ang isang Army reservist ay nanulak at dinuduro-duro ang isang lalaki sa sarili nitong bakuran matapos nitong sitahin dahil lang sa wala itong suot na face mask.

Ang pangyayari

Sa video na ipinadala ni Christine Joy Denava noong ika-23 ng Mayo nang pangyayari sa Brgy. Sta Lucia, kung saan makikita kung paano dinuro-duro at itinulak ng Army ang lalaki matapos nitong sitahin ito dahil walang suot na face mask sa loob ng bakuran ng kanyang trabaho. Nagalit ang Army dahil sa pangangatwiran ng lalaki na hindi naman di umano ito lumalabas at naroon lang sa loob bagay na pinagmulan ng alitan.

Ang Pangyayari- Army Reservist
Photo Credit: Facebook

Matapos sitahin ng Army ang lalaki ay bigla nitong dinuro ito at nang hindi pa ito nakuntento ay pumasok pa sa loob ng bakuran at itinulak pa ito na naging dahilan upang ito ay matumba sa semento.

Dahil sa pagkakatulak

Samantala dahil sa pagkakatulak ay sumigaw ito at sinabing bawal di umano ang ginagawang panunulak sa kanya nito kaya sinabihan nito ang kanyang kasamahan na videohan ang pangyayari. Lubos ang naging galit ng lalaki dahil sa panunulak at tinanong pa nito kung bakit kailangan di umano itong gawin sa kanya.

Pagkakatulak- Army Reservist
Photo Credit: Facebook

Pilit naman na inaawat ang Army ngunit hindi pa din ito nakuntento at hinarap pa din ang lalaki sa gate ng kanilang bakuran na tila ba nang hahamon pa, kaya naman ang lalaki ay sinabihan itong tanggalin ang kanyang mask at helmet na suot nito upang ito ay makilala. Sa huli ay naawat naman ang away ng dalawa sa tulong ng kanilang mga kasama.

Paggamit ng katungkulan

Samantala dahil sa naranasan ng lalaki sa ginawang pananakit sa kanya ng nasabing Army reservist, ito ay napatanong kung ganyan ba ang ginagawa nang may katungkulan sa katulad nito sa gitna ng ipinapatupad na paghihigpit sa bansa sa gitna ng quarantine.

Ang Katungkulan- Army Reservist

Sa ngayon ay hinihintay pa ang pahayag ng nasabing Army tungkol sa insidenteng ito.

Narito ang nasabing video

Kayo na bahalang humusga. Sinong tama at mali.

Sinita ng isang Army Reservist ang isang lalaking walang mask habang itoy nasa loob ng kanilang bakuran sa Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas, Cavite. May 23, 2020Makikita sa video na dinuro ng Army Reservist ang lalaki at napikon. Mayat -maya pumasok sa gate at tinulak ang lalaki, rason para matumba ito sa semento."pinag fafacemask kami khit nasa loob trespassing kna nga sasaktn mopa papa ko di bagay sayo maging sundalo😠" Credit: Christinejoy Denava

Posted by Malupitang Videos on Saturday, May 23, 2020

Sa iba pang balita at update sa mga susunod na pangyayari maaring bisitahin ang pinasbalita.org

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: