Press "Enter" to skip to content

Arnell Ignacio, Pinagsabihan Ang Kapuso Aktres Na Si Jennylyn Mercado Dahil Sa Mga Post Nito

Naging trending sa social media ang mga post ni Jennylyn Mercado tungkol sa gobyerno. Ito ay sinagot naman ni Arnell Ignacio at pinagsabihan pa ang aktres na tumahimik na lamang at huwag na lamang makisawsaw pa sa mga isyu ngayon.

Post sa social media

Dahil sa mga pangyayari ngayon at kinakaharap na krisis ng ating bansa, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang mga patutsada na post ng mga artista sa kanilang social media. Isa na rito ang post ng kapuso aktres na si Jennylyn Mercado.

Arnell Ignacio, Pinagsabihan Ang Kapuso Aktres Na Si Jennylyn Mercado Dahil Sa Mga Post Nito 2
Photo Credit: Jennylyn Mercado

Sa post ng aktres ay nagtatanong siya kung saan nga ba napunta ang pera na inutang ng gobyerno. Lumalabas kasi na lumobo na ang utang dahil sa pandemya sa ating bansa. Kaya gusto ng aktres na isapubliko rin umano kung saan napunta ang inutang na pera.

Ang sagot ni Arnell

Nagbigay ng pahayag si Arnell Ignacio hinggil sa mga post ni Jennylyn sa kanyang social media. Ayon sa kanya, nag-isip muna at ngresearch ang aktres bago ito nag-post.

Arnell Ignacio, Pinagsabihan Ang Kapuso Aktres Na Si Jennylyn Mercado Dahil Sa Mga Post Nito 3
Photo Credit: News Keener

‘Nasaan napunta ang pera’, kita mo tuloy masasabihan ka ‘check-in mo nasa website ‘yan, ‘di ba? Mapapahiya ka pa,” sabi ni Ignacio.

Nagbigay rin ng payo si Arnell sa iba pang mga artista na katulad ni Jennylyn. Aniya, bago daw sila mag-post sa social media ay dapat muna na magsiyasat ang mga ito tungkol sa mga isyu na gusto nilang malaman. Dagdag pa ni Arnell, iba ang kalakaran ng politika sa buhay artista na mayroon ang mga ito.

Payo lang, wag n’yo na pasukin ang hindi niyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag-aartista. Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin niyo mga careers ninyo.” Dagdag ni Arnell.

Hindi na ba talaga dapat

Sabi ni Jennylyn, kailan ba naging mali ang pagtatanong? Hindi na ba talaga dapat na magtanong sila o kung sino man sa kung ano na ang nangyayari? Isa din daw siya sa mga libo-libong nagbabayad ng buwis sa gobyerno, kaya may karapatan daw silang mag-usisa.

Arnell Ignacio, Pinagsabihan Ang Kapuso Aktres Na Si Jennylyn Mercado Dahil Sa Mga Post Nito 4
Photo Credit: Jennylyn Mercado

Ano ba ang dapat

Ang dami ng problema ang kinakaharap ng ating bansa ngayon, hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring lunas sa pinagdadaanan natin. Imbis na magtulungan ang bawat isa sa atin, walang ibang ginawa ang iba kundi magbangayan, magsumbatan, magpayabangan, at higit sa lahat reklamo dito, reklamo doon ang ginagawa.

Dapat ay magtulungan at magkaisa na lamang tayo, kung sa tingin mo may maitutulong ka, magsalita ka. Kung wala naman, manahimik na lang dahil hindi naman nakakatulong kung makikipag-debate kayo, hindi ba?

Source: News Keener

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: