Press "Enter" to skip to content

Arnell Sinampahan Ng Kaso Si Mystica

Cavite, Philippines — Sinampahan ng kaso ng TV host-actor na si Arnell Ignacio si Mystica dahil sa pambabastos at panlalait nito kay President Rodrigo Duterte.

Nagsampa

Umaga ng May 22, 2020  ng personal na  magpunta sa Imus City Prosecutor’s Office sa Cavite si Arnell upang pormal na magsampa ng demanda laban sa tinaguriang Split Queen. Sinabi ng aktor na nalaman niya na taga General-Trias, Cavite si Mystica kaya sa Imus Cavite siya nagsampa ng kaso laban sa dito.

Arnell Sinampahan Ng Kaso Si Mystica 2
Photo credits: Pep.ph

Tatlong kaso ang isinampa niya dito ito ay ang Inciting to Sedition, Cyberlibel at Violation ng Bayanihan To Heal As One Act na ipinatutupad ngayong panahon ng health crisis sa bansa.

Basehan

Nagpaliwanag si Arnell na ang basehan ng pagsasampa ng kaso kay Mystica ay ang mga Video na ipinost nito sa Socila Media na kung saan puro pambabatikos at pagmumura sa pangulo ang nilalaman. May sinabi pa umano ang aktres na walang karapatan na maging pangulo si Duterte kasabay ng paghikayat kay Vice-President Leni Robledo na palitan na daw sa puwesto ang pangulo. 

Arnell Sinampahan Ng Kaso Si Mystica 3
Photo credits: MSN.com

“Nagsalita siya na hindi maganda, e, yung gusto niya talagang guluhin ang gobyerno. Hindi lang nila alam kung gaano kahirap ang ginagawa ngayon ng mga nasa gobyerno, tapos guguluhin niyo pa?” ayun pa sa aktor.

Post ng Aktor

Nagpost ang aktor sa kanyang Facebook page at narito ang kanyang mga sinabi:“Kapag seryoso ang issue e file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB.

“Hindi mo pwede mura-murahin si presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos.

Arnell Sinampahan Ng Kaso Si Mystica 4
Photo credits: Rappler.com

“Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang.

“Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo, e.

“Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang.”

Dagdag pa ng aktor. Umani ito ng iba’t-ibang reaksyon sa Social media.

Source:Inquirer.net




Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: