Press "Enter" to skip to content

Arnold Clavio, Hindi Na Pwede Managot Sa Ginawa Kay Sarah Balabagan

Usap-usapan ngayon sa social media ang malaking pasabog ng dating kontrobersyal na OFW na si Sarah Balabagan ukol sa ama ng kanyang panganay na anak. Aniya sa kanyang Facebook live kagabi, ang beteranong reporter na si Arnold Clavio ang syang tunay na ama ng kanyang anak.

Takas sa batas

Nagbigay ng opinyon ang abogado na si Trixie Cruz Angeles ukol sa kontrobersyal na isyu. Aniya ay lusot na si Clavio sa kasong child abuse na maaari nitong kaharapin. Ang prescriptive period na 12 taon hanggang dalawampung taon. Saad nito,

Arnold Clavio, Hindi Na Pwede Managot Sa Ginawa Kay Sarah Balabagan 2

“If the child born out of the act is now 21, it’s prescribed (expired),”

Dagdag pa ni Angeles, kung tunay na 17 taong gulang lamang si Balabagan nang mabuntis ito ni Clavio at nagsampa ito ng kaso, maituturing ito na isang krimen. Ngunit dahil hindi nagsampa ng reklamo si Sarah, tila nakatakas sa pananagutan si Clavio.

“If she was 17 when it happened and she filed, there was a crime, but she didn’t, so he gets away with it.”

Child abuse

Ang kasong kriminal na maaaring isampa laban kay Clavio ay RA 7610 o Child Abuse. Sa tanong naman na kung maaari din na magsampa ng reklamo ang estado sa ngalan ni Balabagan laban kay Clavio, ito ay posible. Ngunit, hindi na din ito susulong dahil tapos na ang prescriptive period ayon sa batas.

Arnold Clavio, Hindi Na Pwede Managot Sa Ginawa Kay Sarah Balabagan 3

Sa ngayon na dalawamput dalawang taong gulang na ang anak ni Clavio kay Balabagan, maituturing na wala nang legal na pananagutan si Clavio rito.

Menor de edad

Nagsimulang magkakilala si Arnold at Balabagan nang pumutok ang balita ukol sa pagkakap4sl4ng ni Balabagan sa kanyang employer sa UAE nang tangkain ng huli na pagsamantalahan ito. Tumakbo ang kaso mula 1994 hanggang 1996. Nakabalik ng bansa si Sarah sa edad na disi-syete matapos umapela ng gobyerno na ibasura ang reklamo laban sa dalaga kapalit ng blood money na nagkakahalaga ng $41,000.

Isang businessman na nagngangalang William Gatchalian ang nagbayad ng blood money kapalit ng kaayaan ni Balabagan.

Beteranong reporter

Sa kabilang banda, si Clavio na noon ay 32-taong gulang na reporter sa GMA, Brigada Siete ang naatasan na sundan ang istorya ni Balabagan. Naging media sensation si Sarah na syang nagkaroon pa ng oportunidad na magkaroon ng singing career.

Arnold Clavio, Hindi Na Pwede Managot Sa Ginawa Kay Sarah Balabagan 4

Ayon sa kwento ni Balabagan, naging magkaibigan sila ni Clavio at dinadala pa umano sya sa iba’t ibang lugar hanggang sa nakuha ang kanyang loob.

Tagong katotohanan

Isang taon makalipas, nabuntis si Sarah Balabagan na syang dahilan para mawala ang kanyang career. Ibinunyag nito na sinabihan ito ni Clavio na itago ang katotohanan sa kung sino talaga ang tunay na ama ng kanyang panganay na anak.

Sa kanyang FB live, nanghingi ito ng tawad sa mga taong nasaktan nito, ang pamilya ng bawat partido, kanyang anak, at higit sa lahat ay sa asawa ni Clavio.

My response to Arnold Clavio Issue. And If you have questions , you can join me at my radio program #SariSarah every Tuesday 7pm pacific time or Wednesday 10am pinas time @ #PHLVRADIO. Thank you all for your prayers, love & support. God bless you all! With Jun Santiago Sereno

Posted by Sarah Balabagan Sereno on Thursday, August 20, 2020

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: