Press "Enter" to skip to content

Aroganteng Chekwa Na Dumura Sa Loob Ng Fastfood Chain, Naaresto Na!

Ngayong araw ay inaresto na ang Chinese national na nag-viral kamakailan dahil sa pagiging arogante nito at pagdura sa loob ng isang fast food chain.

Lagot kay Yorme

Ibinalita ngayong araw ng Manila Public Information Office ang pagkakadakip sa Chinese national na huli sa video ang pambabastos sa isang security guard na nanita rito dahil sa pagdura nito sa loob ng isang fast food chain sa Masangkay, Tondo Maynila.

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko ang pagdakip sa nasabing Chinese national matapos mag-viral ang bidyo nito.

Pagkakakilanlan

Kinilala ang inarestong Chinese bilang si Jinxiong Cai, 35-anyos na mula sa Mainland, China. Kilala din ito sa pangalang Willy Choi. Isa itong negosyante at kasalukuyang nakatira sa Orchard Garden sa Masangkay St., Tondo, Maynila.

Aroganteng Chekwa Na Dumura Sa Loob Ng Fastfood Chain, Naaresto Na! 1

Ayon sa balita, naiinip daw umano ang Intsik dahil sa matagal dumating ang kanyang order. Binastos din umano nito ang mga crew ng fast food chain at nang subukang pakalmahin ng gwardya ay mas lalo pang naging arogante ang Chinese national.

Dagdag pa dito ay may mga nadamage ito na dalawang motorsiklo na tinulak umano nito bago pumasok sa fast food chain.

Mismong nadakip ito sa kanyang condo unit ngayong araw.

Patong-patong na kaso

Nahaharap ito sa tatlong kaso, Violation of Article 200, 287, and 327 of Revised Penal Code. Kakaharapin nito ang mga kasong grave scandal, unjust vexation, at malicious mischief.

Aroganteng Chekwa Na Dumura Sa Loob Ng Fastfood Chain, Naaresto Na! 2

Matatandaang galit na galit ang Chinese na ito na makikita sa viral video nang sitahin ito ng gwardya. Ugat ng alitan ay ang pagdura dura nito sa loob ng restawran.

Aroganteng Chekwa Na Dumura Sa Loob Ng Fastfood Chain, Naaresto Na! 3

Komento ng netizens

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang madaliang aksyon na ginawa ng gobyerno ng Maynila sa pagkakadakip rito. Anila ay dapat na ipa-deport ito at ibalik sa Mainland, China.

Hindi katanggap tanggap umano para sa maraming Pilipino ang ganitong pag-uugali lalo na at may banta ng Covid-19 na syang worldwide threat ayon sa World Health Organization.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: