Press "Enter" to skip to content

Artista sa Black Panther na si Chadwick Boseman Namatay Na Nitong Umaga Dahil Sa Cancer

Matapos ang mahigit apat na taon na paglaban sa sakit na colon cancer, pumanaw na ang aktor na si Chadwick Boseman sa edad na 43 anyos. Ang balita ay inilabas ng AP nitong Sabado, Agosto 28.

Black Panther

Ang aktor ay kilala sa buong mundo dahil sa pagganap niya bilang si T’Challa o Black Panther sa sikat na Marvel Studios franchise. Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang team nitong Biyernes sa pamamagitan ng pag post sa social media ng aktor. 

Ayon sa post, “It is with immeasurable grief that we confirm the passing of Chadwick Boseman. Chadwick was diagnosed with stage III colon cancer in 2016, and battled with it these last 4 years as it progresses to stage IV.”

Artista sa Black Panther na si Chadwick Boseman Namatay Na Nitong Umaga Dahil Sa Cancer 2

Dagdag pa sa post, “A true fighter, Chadwick preserved through it all, and brought you many of the films you have come to love so much. From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson’s Ma Rainey’s Black Bottom, and several more, all were filmed during and between countless surgeries and chemotherapy.”

It was the honor of his career to bring T’Challa to life in Black Panther. He died in his home, with his wife and family by his side. The family thanks you for the love and prayers, and asks that you continue to respect their privacy during this difficult time.”

Ala-ala ni Boseman

Nagsimula ang pag usbong ng career ni Boseman sa isang episode ng series na Third Watch noong 2003. Mula noon, naging sunod sunod na ang paglabas ni Boseman sa iba’t ibang palabas tulad ng Law & Order, ER at CSI. 

Artista sa Black Panther na si Chadwick Boseman Namatay Na Nitong Umaga Dahil Sa Cancer 3

Ang role naman niya bilang Jackie Robinson sa palabas na 42 ang naging daan upang masungkit niya ang role na T’Chall o Black Panther na unang lumabas sa pelikulang Captain America: Civil War.

Sa ngayon, hiling ng pamilya na bigyan sila ng privacy upang maipagluksa ng maayos ang pagpanay ng aktor.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: