Press "Enter" to skip to content

Ateneo, Pinasa Lahat Ng Estudyante At Nag-refund Ng Tuition Fee Sa Gitna Ng COVID-19 Crisis!

Inanunsyo ng Ateneo de Manila University nitong Martes ang pagpapaiksi ng kanilang second semester kaugnay ng extension ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Ang detalye

Sa isang memo galing sa Office of the Vice President ng nasabing paaralan, inanunsyo na hanggang May 8 nalang ang kanilang semester.

Ateneo, Pinasa Lahat Ng Estudyante At Nag-refund Ng Tuition Fee Sa Gitna Ng COVID-19 Crisis! 2
Photo credit: ABS-CBN

Kaugnay nito ay ang pagre-refund din ng P20,000 na tuition fee at 60% ng laboratory fees para sa mga estudyante.

Nakasaad din sa memo na sila’y magbibigay ng “P” o passing mark sa lahat ng kanilang eligible non-graduating students. Para naman sa mga graduating students, makakatanggap pa rin sila ng passing marks ngunit mayroon din silang opsyon na mag-request ng letter grades.

Feedback ng Netizens

Ang memo ay  ibinahagi sa Twitter account ng GUIDON o ang official student publication ng Ateneo.

Dahil dito, marami ang natuwa at nagbigay papuri sa kabutihang-loob ng unibersidad sa kanilang mga estudyante.

“Ateneo did the right thing. They made a decision that benefits everyone and even laid out concrete plans for its stakeholders,” saad ng isang estudyante sa kanyang tweet.

Mayroon ding mga nanawagan sa ibang mga unibersidad na sumunod yapak ng Ateneo at unahin ang kapakanan ng kanilang mga studyante.

“I hope other schools speak up ASAP like what Ateneo did. No student should be stressing over schoolworks while there is a pandemic,” sabi ng isa pang studyante.

Ang mensahe

“Giving a P (passing) mark is the most humane way of dealing with student grades under the circumstances we are in, where it is difficult and unfair to make a judgment of failure considering that students have not been given the benefit of a full semester to improve their performance,” mensahe ng paaralan sa memo.

Ateneo, Pinasa Lahat Ng Estudyante At Nag-refund Ng Tuition Fee Sa Gitna Ng COVID-19 Crisis! 3
Photo credit: Interaksyon

Inudyok rin ng unibersidad ang mga estudyanteng financially stable na ikonsidera ang pagdodonate nalang ng kanilang refund sa mga nangangailangan.

Source: Interaksyon

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: