Press "Enter" to skip to content

Ateng Aminadong Tanga Nauntog At Gustong Bawiin Lahat Ng Binigay Kay Ex

Last updated on March 18, 2020

Isang babaeng OFW ang aminadong nabulag sa pag ibig kaya binigay ang lahat ng luho ng dating kasintahan na umano’y tirador ng mga OFW. Ngunit ng matauhan ay gusto ng bawiin lahat ng kanyang binigay sa kanyang ex ngunit ayaw na itong ibalik sa kanya.

Tirador

Isang babaeng nagngangalang Leonida Selim ang dumulog sa tanggapan ng beteranong mamamahayag na si Raffy Tulfo upang humingi ng tulong upang bawiin lahat ng mga bagay na ibinigay niya sa ex boyfriend niyang si Julito Luceno. Aminado si Selim na naging tanga siya sa pag ibig kung kaya humantong inabuso siya nito.

Ayon sa Leonida, dahil sa labis na pagmamahal niya kay Julito ay binigay umano niya ang lahat ng hilingin ng lalaki kahit alam niyang pineperahan lang siya nito at ito ay “tirador” ng mga babaeng OFW. Mula sa pera, negosyong car wash pati sasakyan at lupa ay kinuha umano sa kanya ni Luceno.

Partnership lang

Ayon naman kay Luceno, ang pinag ugatan ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa nagalit si Selim ng malaman niya na sa kanilang dalawa naka pangalan ang deed of sale ng lupang ipinundar ni Selim mula sa kanyang paghahanap-buhay sa abroad. Sinabi umano noon ni Selim na sa kanilang dalawa ang lupang iyon kung kaya ipinangalan ni Luceno sa kanilang dalawa ang lupa sa halip na kay Selim lamang.

Depensa naman ni Selim, hindi niya sinabi na hati sila sa lupa. Aniya, “partnership” lamang sila at iba iyon sa “ownership”. Dagdag pa niya hindi iyon ang tunay na pinag ugatan ng kanilang hiwalayan bagkus ay nagalit umano siya dahil hindi na sumusunod sa kanyang mga utos itong si Luceno.

Marupok

Sa gitna ng kanilang pag tatalo ay tinanong si Luceno kung paano sila nagkakilala. Doon biglang nagbago ang mood aura ni Selim na para bang kinikilig habang naaalala ang nakaraan nila. Dito na lumabas ang kulit ni Selim ngunit ilang sandali lamang ay nagalit muli ang ginang dahil sa umano’y pinamamalita ni Luceno na hiwalay na sila gayong hindi naman ito totoo.

Sa huli, napagkasunduan nalang ng dating magkasintahan na babayaran ni Selim ang labor ni Luceno sa paggawa ng kanyang bahay sa halagang 100,000 na hahatiin buwan-buwan. Kapalit, ibinalik naman ni Luceno ang kanyang sasakyan. Napagkasunduan din na ibibenta ang kanilang lupa at paghahatian ang pera.

Nagbigay din si Selim ng payo sa mga kababaihan base sa kanyang karanasan. Aminado siya na naging marupok siya sa pag-ibig. Sabi nga niya, “nagmahal ako, nasaktan, nagpa-tulfo.”

Panoorin dito ang mala roller coaster na kwento at emosyon ng dating magkasintahan:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: