Press "Enter" to skip to content

Ateng Beastmode To Pulis Frontliner: “Kulang na lang duraan na kita!”

Arestado ang isang babae matapos nitong ipost ang isang frontliner na pulis. Ayon sa suspek na kinilalang si Jamellah Mamaril Duatin-Orzame ay hindi sila pinapasok sa Moncada, Tarlac ng isang pulis na syang kinuhaan nito ng litrato habang nakatalikod.

MyDay

Viral ngayon ang Myday stories ni Jamellah sa Facebook dahil sa mga maaanghang na pananalita nito ukol sa isang frontliner na pulis. Ayon sa babae, taga-Moncada ang asawa nito at mula pa sa San Manuel ang kanyang pass. Ngunit hinarang ito ng pulis dahil nga sa mas pinaigting na checkpoints sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine. Sa post ay hindi naman idinetalye ni Orzame ang ispesipikong dahilan kung bakit naantala ang kanilang pagdaan sa checkpoint.

Ateng Beastmode To Pulis Frontliner: “Kulang na lang duraan na kita!” 2

Nakalagay sa post ng suspek ang hiling nito na sana ay tamaan ng covid ang buong pamilya ng kinaiinisang pulis. Aniya ay sana ay pati ang magulang at mga anak nito ay magkasakit, bagay na hindi magugustuhang marinig ng kahit na sino. Dagdag pa nito sa kanyang mensahe para sa pulis,

“Kulang na lang duraan na kita!”

Ateng Beastmode To Pulis Frontliner: “Kulang na lang duraan na kita!” 3

Aniya,

“Gigil ako sayo! Gusto kitang balikan!”

Respeto

Hindi pa natapos ang galit ni ate at inilagay din nito sa kanyang post,

“Hindi porke pulis ka rerespetohin kita! Rumespeto ka rin sa mga tao kung gsto mong respetohin ka! Isa lang masasabi ko sayo! M^m*tay na sana pamilya mo lalong lalo na mga anak mo!”

Huli!

Ngayong gabi ay naaresto na ang matapang na si ate na syang nahaharap sa iilang kaso:

Ateng Beastmode To Pulis Frontliner: “Kulang na lang duraan na kita!” 4

Disobedience to an agent of person in authority, direct assault against an officer, at cyber libel. Ang pulis na ipinost ng suspek sa Facebook na syang nagsampa din ng reklamo ay kinilalang si PSSg Rogelio Palad Jr. y Baldonado na mula din sa Moncada, Tarlac.

Ateng Beastmode To Pulis Frontliner: “Kulang na lang duraan na kita!” 5

Huwag pasaway

Sa gitna ng krisis na pinagdadaanan ng buong bansa sa laban sa covid-19, pinapaalalahanan ang marami na magkaroon ng mahabang pasensya sa mga proseso na ipinapatupad sa mga pampublikong lugar. Kaya naman kung walang mas mahalaga na gagawin sa labas ng bahay ay pinapayuhan na manatili na lamang sa kanya kanyang mga kabahayan upang maiwasan din ang transmission ng sakit sa maraming tao.

Source: Facebook Bee Bee

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: