Press "Enter" to skip to content

Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX

Isang video ang kumakalat ngayon sa Facebook kung saan makikita (o maririnig) ang isang babae na gigil na gigil at todo sigaw. Sinisigawan nito ang lalaking katabi niya sa FX at ayon sa nagpost, sinaktan pa niya ito.

Mahabang pagiisp

Ayon kay Ash Lee, na siyang nagpost ng video, talagang pinagisipan niya ng mahab kung ipopost ba niya o hindi ang nakunan niya ng video.

Kwento niya, bago pa ang simula ng video, sumisigaw na daw yung babae, at nung sinumulan nitong sampalin at hampas hampasin ang lalaki, dun na nagsimulang kumuha ng video si Ash Lee.

Matinding galit

Sa video, nagsisisigaw ang ale at nagwawala dahil kanina pa daw yung lalaki. Kanina pa daw siya naiilang. Maririnig na sinasabihan ni ate si kuya na bumaba siya at babayaran niya ang dalawang pwesto.

Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX 1

Maririnig pa na sabi ni kuya, kung ayaw mo madikitan sana nagtaxi ka o nag Grab ka.

Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX 2

Sabi ng driver, lipat nalang daw sa likod si kuya. Si Ash Lee din nagsabi na sa tabi nalang niya si kuya. Subalit nung bababa na si kuya itinulak pa umano ni ate Super Saiyan at binigyan ng dirty finger.

Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX 3

Awa at galit

Pagbaba ng ale, napagusapan nila sa FX na hindi naman daw nanghipo yung lalaki. Sadyang masikip lang at may mga bumama kaya siguro napadikit.

Dagdag pa nung isang babae, nung nagabot siya ng bayad, galit at nakasimangot na daw si Ate kaya naman napagtanto nila na baka badtrip lang talaga.

Kawawang kuya

Ayon kay Ash Lee, naawa daw siya kay kuya dahil kahit anong sakit ang nakamit niya mula kay Ate, hindi daw ito pumatol. Ni minsan hindi daw siya gumanti sa galit ni Ate.

Kaya naman nakuha ni Kuya ang loob ng mga netizens. Ang mga ito ay naghahangad na sana lumitaw si kuya paramabigyan siya ng hustisya.

Basahin ang post ni Ash Lee dito:

Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX 4
Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX 5
Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX 6
Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX 7
Ateng Feelingera Na Badtrip Daw Sa Araw Niya Nag Super Saiyan Sa Loob Ng FX 8

Panoorin ang video ng pagsisigaw ni ate dito:

 

https://www.facebook.com/ashventurista/videos/3390411467652463/

Ito naman ang usapan nila pagbaba ni ate:

https://www.facebook.com/ashventurista/videos/3390416397651970/

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: