Press "Enter" to skip to content

Autopsy Report Ni Christine Dacera, Inilabas Na! Pamilya Ng Biktima, Taliwas Dito?

Inilabas nito lamang Martes ng gabi ang kopya ng paunang medico-legal ng namayapang si Christine Dacera at nagsasaad na ang sanhi ng pagkam4tay ng biktima ay “ruptured aortic aneurysm.”

Pahayag ng pamilya

Matapos lumabas ang medico-legal, ang pamilya ng flight attendant na si Christine Dacera ay hindi naniniwala na namatay siya ayon sa nakasaad sa report. Kaya naman sa isinagawang press conference, humiling sila ng isa pang autopsy upang magkaroon ng mas matibay na batayan.

Autopsy Report Ni Christine Dacera, Inilabas Na! Pamilya Ng Biktima, Taliwas Dito? 2
Photo Credits: CNN Philippines

Pahayag ni Paolo Tuliao, isa sa mga abugado ng pamilya,

“We are disputing the findings of the SOCO,¬†‘yung¬†post-mortem report na they claimed the cause of death was aneurysm.”

Sinabi pa nito na hindi tinukoy sa ulat ang hematoma at mga pasa sa katawan ng biktima kaya humuhingi sila ng isa pang post-mortem report mula sa independent medico-legal.

Paunang mga pahayag

Nauna rito, binanggit ni Makati Police Chief Col. Harold Depositar na mayroong semilya na natagpuan sa bangkay ni Christine ngunit hindi nabanggit sa ulat. Samantala, nakasaad sa autopsy na mayroong galos at sugat sa pribadong bahagi ni Christine.

Sinabi naman ni Brick Reyes, spokesperson ng pamilya, na ang mga pinsala sa binti at braso ni Christine pati na ang labi nito ay magsisilbing sapat na ebidensya upang masabing ito ay sanhi ng panggag4hasa.

What people should remember about Christine Angelica Dacera | PEP.ph
Photo Credits: PEP.ph

Maaari rin aniya na ang krimen ay sinet-up dahil sinasabing ang manager ng hotel ay kaibigan aniya ng isa sa mga hinihinalang salarin, ngunit tumanggi ang abugado nila na magbigay ng komento ukol sa paratang na ito. Dagdag pa ni Reyes,

“They said she died of natural causes, a ruptured aortic aneurysm which appears in the certificate of death, but which does not include the other injuries she sustained…It is not complete as far as we are concerned, that is why we requested for another autopsy.”

Paglutas sa kr1men

Matatandaang natagpuan ang b4ngkay ni Christine sa isang bathtub sa hotel matapos ipagdiwang ang bisperas ng Bagong Taon kasama ang mga kasamahan nito sa trabaho. Kaibigan naman aniya ng ina ng biktima na si Sharon ang mga kasama nito na kanyang nakita sa mga larawan.

CCTV footage captured Christine Dacera's last hours at hotel
Photo Credits: GMA News

Sinabi naman ng pulisya, tatlong katao ang kanilang naaresto at sinampahan ng kasong panggagahasa at homicide, habang walo ay kasalukuyang nakalaya. Ani Reyes, 11 na mga suspek ang kinilala sa reklamo ng pamilya Dacera.

Sinabi man ng PNP na ang kaso ay “solved” na, base sa nakasaad sa post mula sa kanilang official Facebook page, pahayag ng pamilya Dacera na patuloy pa ring tumtakbo ang imbestigasyon.

Patuloy lang na tumutok sa Pinas Balita para sa iba pang mga karagdagang impormasyon.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: