Press "Enter" to skip to content

Ay Hindi Naniwala? Dahil Sa Kanyang Opinyon, Xian Gaza Dinumog Ng Mga Supporters ni FLM

Pinutakte ng samu’t saring reaksyon ang naging pahayag ng social media personality na si Xian Gaza laban sa kontrobersyal na Youtuber na si Francis Leo Marcos o FLM.

Pasabog ni Gaza

Kahapon sa kanyang video, inilabas ni Gaza ang tunay na motibo umano ni FLM. Aniya hindi tunay ang malasakit sa publiko na ipinapakita nito sa social media. Hindi rin tunay kundi props lang ang mga pinapakita nitong tone-toneladang bigas sa kanyang mga facebook live.

Ay Hindi Naniwala? Dahil Sa Kanyang Opinyon, Xian Gaza Dinumog Ng Mga Supporters ni FLM 2

Ang katotohanan umano ay puppet lang ng isang malaking sindikato si FLM. Noong nakaraang taon pa umano planado ang lahat upang pabanguhin sa publiko ang pangalan nito. Aniya, balak talagang magtayo ng mga sindikato ng mga pekeng charitable institution ang grupo ni FLM, upang sa gayon ay makahingi ng donasyon sa mga mayayaman at mga OFW.

Wa epek sa mga supporters

Subalit, ang pagbubunyag na ito ay ni Gaza ay hindi pinaniwalaan ng marami, lalong lalo na ng mga solid supporters ni FLM. Ayon sa mga ito, si Gaza ang tunay na scammer sa kanilang dalawa ni FLM. Sa katunayan, wanted nga ito sa bansa at tumakas lamang ito.

Kinalkal pa ng mga netizen ang mga pending na kaso ni Gaza na kanyang tinakbuhan. Matatandaan na tumakas ng bansa si Gaza at ipinakita pa niya kung paano siya nakalusot sa mga awtoridad.

Bugbog sa mga netizen

Masasakit ang mga ibinabatong salita ng mga netizen laban kay Gaza. Ayon pa sa iba naiinggit lamang si Gaza sa tinatamong kasikatan ngayon ni FLM sa mga mahihirap. Imbes na manira, tumulong nalang sana ito sa mga mahihirap tulad ng ginagawa ni FLM.

Ay Hindi Naniwala? Dahil Sa Kanyang Opinyon, Xian Gaza Dinumog Ng Mga Supporters ni FLM 3

Kung marami ang mga bumabatikos sa kanya, may mangilan ngilan naman na tila kumbinsido sa pahayag ni Gaza. Tila may punto kasi umano siya dahil sa biglaan nga naman ang pagsikat ni FLM. Subalit dapat umanong patunayan ito ni Gaza para siya ay paniwalaan ng lahat.

Ay Hindi Naniwala? Dahil Sa Kanyang Opinyon, Xian Gaza Dinumog Ng Mga Supporters ni FLM 4

Xian Gaza explained behind Francis Leo Marcos Modus operandi. Ano ba talaga ang totoo?

Posted by Yang Ying Vines on Friday, May 22, 2020

Source: Yang Ying Vines

Sa iba pang balita at update sa mga susunod na pangyayari, maaring bisitahin ang pinasbalita.org

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: