Press "Enter" to skip to content

‘Ayoko Ng Umuwi, Sinasaktan Nila Ako!” Sumbong Ng Batang Iginapos Ng Kanyang Tiyuhin

Mangiyak-ngiyak ang bata matapos siyang mapakawalan ng mga kapitbahay na nagmalasakit sa kaniyang kondisyon. Ito ay matapos siyang igapos at hinayaang nakatayo lamangng ilang oras ng kaniyang walang awang tito.

Pag tali na parang aso

Hindi maipinta ang pait sa mukha ni Yuan matapos umano siyang madiskubreng nakagapos ng kanyang tinuringang tito. Sinasabing nagnakaw ang bata at sa galit ng kaniyang tito ay iginapos ang kamay at paa nito at iniwan sa labas ng bahay bago umalis ng bahay kasama ang pamilya.

'Ayoko Ng Umuwi, Sinasaktan Nila Ako!" Sumbong Ng Batang Iginapos Ng Kanyang Tiyuhin 2
Photo Credits: Facebook – I am Bisaya

Ayon sa salaysay ng bata, siya ay tumira sa kaniyang tito matapos mamatay ang kanyang ama sa sakit ng puso. Ang kaniyang ina naman ay nasa probinsya at matagal ng hiwalay sa asawa nito. 
Salaysay pa ng bata na palagi umano siyang napapagalitan ng kaniyang tito hanggang sa dumating na ayaw na nitong umuwi sa kanilang bahay.

Pagkaligtas

Kwento ng kanyang mga kapitbahay, lagi umanong napag bubuntunan ng galit ang bata. Matapos umano niyang pakainin at paliguan si Yuan ay kinausap niya ito na umuwi sa kanilang bahay, ngunit nagulat daw siya sa sabi ng bata.

'Ayoko Ng Umuwi, Sinasaktan Nila Ako!" Sumbong Ng Batang Iginapos Ng Kanyang Tiyuhin 3
Photo Source: Facebook – I am Bisaya

Aniya,

“Ayaw kong umuwi sa bahay namin dahil masasama sila! Pinag mamalupitan nila ako.”

Hinaing ng kapitbahay

Gutom na gutom at halos halos namamaga ang mga kamay at paa ni Yuan. Maihahalintulad sa minamanas at namamanhid sa higpit ng pagkakagapos sa kanya. 

Sinasabi din na-tinorture ang bata sa kaawa-awang kalagayan nito. Kaya naman lubos ang galit ng mga kapitbahay nito sa ginawa ng kaniyang tito habang inaalis ang mga tali na nakagapos kay Yuan. Ihinambing pa na parang hayop ang pagkakatali sa kaniya.

'Ayoko Ng Umuwi, Sinasaktan Nila Ako!" Sumbong Ng Batang Iginapos Ng Kanyang Tiyuhin 4
Photo Source: Facebook – I am Bisaya

Sabi pa ng isa,

“Bakit ka tinali, kahit na adik kahit makapatay yang batang yan di ganyanin yan!” 

Matapos ma-rescue ang bata, may mga kapit bahay naman itong nag prisintang kupkupin nalang siya. May mga nais din tumulong sa bata at samahan ito sa Department of Social Welfare and Development o DSWD upang ireklamo ang naging kanyang kalagayan sa kamay ng kanyang mapag malupit na tito.

https://www.facebook.com/watch/?v=272961043758790

Narito ang naturang video: Facebook – I am Bisaya

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: