Press "Enter" to skip to content

Babaeng Nakabundol Sa Isang Bata, Huli Sa Facebook Post Na Patakas Ng Bansa

Isang ina ang ngayon ay naghahanap ng hustisya upang managot ang nakabundol sa kanyang anak.

Sa post ng Facebook netizen a si Jhane Erandio Arandia ay inilahad nito ang naganap na pagkakabundol sa kanyang pamangkin noong Enero 29. Aniya ay bandang 4:30 ng hapon nang makatanggap ang kanyang ate ng tawag mula sa isang unregistered number sa kanyang telepono.

Natanggap nito ang balita na isinugod sa ospital ang kanyang anak dulot ng pagkakabundol ng motor.

Nabundol ng motor

Ayon kay Jhane ay dinala sa James L Gordon Hospital ang kanyang pamangkin na si Erhlich Nathan Deliva. Doon ay kanilang kinumpirma na nagkaroon nang insidente dahil naabutan nilang nilalapatan ng pangunang lunas ang kanyang pamangkin.

Doon ay kitang-kita nila na duguan ang damit ng batang si Ehrlich dahil sa hindi agad maampat na pagdurugo. Kalaunan ay napag-alaman na may internal bleeding sa ulo ng kaawa-awang biktima.

Di masustentuhan ng nakabundol

Kalakip ng post ay mga larawan ni Ehrlich. Makikita sa post ang mga hirap na pinagdadaanan ng bata. Gayundin ang mga naging pag-uusap ng ina ng batang biktima at ng taong nakasagasa.

Babaeng Nakabundol Sa Isang Bata, Huli Sa Facebook Post Na Patakas Ng Bansa 2
Babaeng Nakabundol Sa Isang Bata, Huli Sa Facebook Post Na Patakas Ng Bansa 3

Ayon sa post ay tila hindi nagagampanan ng nakabundol na kinilalang si Maria Isabella Trevino. Ayon sa mga screenshot ng mga usapan ay tila walang maibigay na sustento si Trevino para sa nagnganganib na buhay ni Ehrlich.

Babaeng Nakabundol Sa Isang Bata, Huli Sa Facebook Post Na Patakas Ng Bansa 6

Panay ang pilit ng nanay ng biktima na ibigay na ang kaukulang pera na kailangan para sa pagpapaopera ng bata dahil sa pagtagal ay nagiging delikado ang kondisyon nito.

Babaeng Nakabundol Sa Isang Bata, Huli Sa Facebook Post Na Patakas Ng Bansa 8
Babaeng Nakabundol Sa Isang Bata, Huli Sa Facebook Post Na Patakas Ng Bansa 9

Pagtakas sa responsibilidad

Isang reliable source naman ang nagbigay ng impormasyon sa ina ng biktima na paalis na umano ng bansa ang nakabundol sa bata. May mga litrato na kuha mula sa Facebook account ni Trevino na ito ay makikitang nasa loob ng eroplano.

Babaeng Nakabundol Sa Isang Bata, Huli Sa Facebook Post Na Patakas Ng Bansa 10

Sa ngayon ay nanghihingi ng tulong pinansiyal si Jhane mula sa mga may mabuting loob na madugtungan ang buhay ng pamangkin.

Tinatakasan nga ba ni Trevino ang kanyang responsibilidad na sustentuhan ang pagpapaopera ng kanyang nabiktima?

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: