Press "Enter" to skip to content

Babaeng Tinadtad Ng S4ksak Sa Mismo Nitong Bahay, P4tay! Hiling Na Hustisya ‘Asaan!?

Isang linggo na ang lumipas mula nang pasl4ngin ang isang babae mula sa Laguna ng isang hindi pa nakikilalang suspek. Dahil dito, hustisyang hiling ng naiwang mga mahal sa buhay ng biktima tila hindi pa rin daw nakukuha.

Panawagan ng kaanak

‘Di pa rin maialis sa naiwang pamilya ng babaeng namayapa ang karumal-dumal na krimeng nangyari. Ang biktimang si Aimie Javier, 37 anyos, ay matatandaang pinaslang ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Natividad, Pangil, Laguna noong Linggo ng madaling araw, ika-27 ng Disyembre.

Babaeng Tinadtad Ng S4ksak Sa Mismo Nitong Bahay, P4tay! Hiling Na Hustisya 'Asaan!? 2

Ani ng kapatid na si Aireen Javier Borejon, hindi raw sila titigil sa kanilang panawagan sa social media hangga’t hindi nila nakukuha ang hustisya’t katarungan para sa kanilang namayapang kaanak.

Pahayag niya sa post,

Isang iglap lang isang buhay ang nawala, ilang oras lang Anak nya’y naulila, ilang saglit lang, kapatid naming ay wala na, ilang minuto lang magulang ko’y agad na binawian ng anak sa ilang saglit na yun ang dami ng magluksa, nag akala at nagsi iyak kaya ang sigaw naming ay katarungan, hustisya paa sa kanyang pagkamatay, pagkamatay na karumal dumal.

Malungkot na balita

Ani naman ng isa pang kapatid ng biktima na si Aileen Resgonio, hindi niya inaasahan na mawawala nang ganoon kabilis ang kanyang kapatid sapagkat nang mabalitaan niyang isusugod si Aimie sa ospital aniya’y hindi ito malala.

Ibinahagi rin ni Aileen sa kanyang post sa Facebook ang tunay na nangyari sa kanyang kapatid. Aniya, pilit na niloob ng isang lalaki ang bahay ng biktima at anak nito. Paghihinala sa nasabing insidente, maaaring pinagtangkaang pagsamantalahan ng salarin ang ginang ngunit nanlaban ito kaya nauwi sa karumal-dumal na pamamaslang.

Pukpok ng bato sa ulo, braso, tagiliran, hita at saksak sa kanyang likod pati mukha ang natamo ng ginang. Base sa imbestigasyon, mahigit sa 30 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang inabot ng biktima na naging sanhi ng kanyang pagkam4tay.

Proteksiyon ng anak

Pahayag pa ng kaanak ng biktima, nasaksihan mismo ng anak ni Aimie ang tila bangungot na insidente. Nagmistulang panangga aniya ang kaniyang ina habang iniinda ang mga saks4k sa kanyang likuran. Ani Aileen,

“…Nilove daw sya ni mama nya (embrace) kaya madaming tama sa likod hanggang kahulihulian ipinakita nya ang labis na pagmamahal nya sa kanyang anak na kahit sariling buhay kaya nyang ibigay para dito…”

Image may contain: 2 people, people standing and child
Photo Credits: Aireen Javier Borejon

Pilit na lumaban ang ginang dahil nagawa niya pa ring makatawag ng saklolo sa kanyang kaibigan upang madala sa ospital. Ngunit naidala man siya sa ospital, huli na ang lahat dahil naubusan na siya ng dugo.

Sa ngayon, bakas parin sa naulilang pamilya ng biktima ang nakalulungkot na pangyayari. Hindi anila sila titigil hangga’t hindi nila nakakamit ang hustisya para sa pagkam4tay ni Aimie.

Source: Aireen Javier Borejon

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: