Press "Enter" to skip to content

Babaeng Tinaggihan Ng 6 Na Ospital, Patay

Namatay ang isang babae matapos umanong tanggihan ng 6 na hospital. Ito ay namatay dahil sa pagkawala ng dugo s panganganak noong Biyernes.

Dahilan ng pag papa-ospital

Ayon kay Jan Christian Bulatao asawa ng biktimang si Kathy Bulatao, isang residente ng Barangay 183. Isinaad niya ang naranasang limang oras na naghihirap ng kanyang asawa.

Babaeng Tinaggihan Ng 6 Na Ospital, Patay 2
Wiki Media Commons

Ito ay habang maghanap sila ng isang ospital para mapag admitan matapos na manganak sa kanilang bahay sa Caloocan. Ang asawa ni Bulatao ay nangangailangan ng operasyon upang maalis ang inunan sa kanyang matris.

“Masyado raw malalim ang isang inunan, hindi daw nailabas,” -Jan.

Mga tumangging Ospital

Ayon Bulatao, habang naka admit sila sa North Caloocan Doctors Hospital, ini reffer sila sa kalapit na Commonwealth Hospital at Medical Center. Ito ay sa kadahilanang ang Caloocan Hospital ay walang supply ng dugo.

Babaeng Tinaggihan Ng 6 Na Ospital, Patay 3
Facebook

Ang pribadong ospital ay tumanggi sa kanila dahil sa kakulangan ng mga silid at mga kaso ng coronavirus disease 2019 doon. At pinayuhan pa silang maghanap ng pulic hospital.

Sinunukan nilang pumunta sa Far Eastern University (FEU) Hospital sa Fairview. Kung saan sila ay sinabihan na magbigay ng downpayment na nagkakahalagang P30,000.

Babaeng Tinaggihan Ng 6 Na Ospital, Patay 4
Facebook

“Sabi nila hindi raw pupuwede, bago maoperahan sana at least may maibigay daw kaming downpayment. Nakiusap ako na kukunin ko naman ang pera sa bahay, wala lang akong dala kasi emergency, Sinisingil pa nila kami para sa paradahan,” sabi ni Bulatao.

Sinabi pa ni Bulatao na sinisingil din sila ng P4,000 para sa personal protective equipment na isusuot ng FEU Hospital staff.

Sunubukan rin nilang umanong pumunta sa Bermudez Polymedic Hospital sa Caloocan. Ngunit sinabihan sila ng ospital na walang kagamitan para sa operasyon ng kanyang asawa.

Ayon pa sa asawa ng biktima, nagpatuloy sila sa paghahanap ng ospital hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan. Ngunit ang mga ospital doon kagaya ng Skyline Hospital, Medical Center at Grace General Hospital ay walang available na obstetrician ng mga oras na iyon.

Ang hindi tumangging ospital

Sa karagdagang pahayag ni Bulato, ang San Jose del Monte General Hospital ang nag-iisang ospital na hindi tumalikod sa kanila. Ngunit sa kasawiang palad, ang kanyang asawa ay idineklarang dead on arrival.

Babaeng Tinaggihan Ng 6 Na Ospital, Patay 5
Abante TNT

“Siyempre nauubusan na kada minuto ang asawa ko ng dugo, hirap nang huminga. Hindi man lang sinukat ang vitals niya para alam namin kung aabot pa sa susunod naming pupuntahang ospital,” sabi ni Bulatao.

Pagsisi ni Bulato sa sarili

Sinisisi rin ni Jan ang kanyang sarili. Ito ay sa kadahilanan ng kawalan ng pera na maibibigay sa tuwing manghihingi ng pang deposito ang mga tumanggging ospital sa kanila.

Babaeng Tinaggihan Ng 6 Na Ospital, Patay 6
Abante TNT

“Sinisisi ko rin ang aking sarili. Wala akong cash na maibibigay nung humingi ng downpayment ang mga tumangging Ospital. Umaasa siyangtutulungan ng gobyerno ang kanyang pamilya sa pagsampa ng reklamo.

Reklamo laban sa mga ospital na tumanggi na tulungan ang kanyang asawa sa panahon ng enhanced comunity quarantine.

Batas ng anti-hospital deposit

Sa ilalim ng batas ng anti-hospital deposit, ipinagbabawal ang mga ospital na tumanggi at humingi ng pagbabayad mula sa mga pasyente. Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga ospital laban sa pagtalikod sa mga pasyente sa panahon ng quarantine.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: