Press "Enter" to skip to content

Babala Ng WHO: Iwasan Ang Ibuprofen Sa Mga Sintomas Ng COVID-19

Last updated on March 19, 2020

Nirekomenda noong Martes ng World Health Organization (WHO) na ang mga taong nakararanas ng sintomas ng corona virus disease-19 (COVID-19) ay umiwas muna sa pag inom ng Ibuprofen. Ito ay matapos magbigay ng babala ng mga French officials na ang paggamit ng anti-inflammatory drugs ay maaring magpalala ng epekto ng virus.

Ang babala

Nagmula ang paalala kay French Health Minister Olivier Veran kamakailan nang mailathala ang pag aral mula sa The Lancet medical journal patungkol sa kanilang teyorya na isang enzyme ang napapabilis ng mga anti-inflammatory drugs katulad ng Ibuprofen, na maaring magpalala sa epekto ng sakit na COVID-19.

Babala Ng WHO: Iwasan Ang Ibuprofen Sa Mga Sintomas Ng COVID-19 2

Binigyang diin ni Veran na ang mga pasyente na kasalukuyan ng gumagamit ng mga anti-inflammatory drugs ay pinapayuhang kausapin ang kanilang doktor upang humingi ng payo. Idinagdag pa nya na kailangan nang mahigpit na pagsunod sa pag inom ng Paracetamol, dahil ang labis na pag gamit nito ay maaring makasira ng atay.

Pagtitiyak ng WHO

Sa kasalukuyan, pagtitiyak ng tagapagsalita ng WHO na si Christian Lindmeier na masusi nila itong pinag aaralan upang makapagbigay ng mga alituntunin sa nasabing konsepto. Sa ngayon, pinapayuhan ang lahat na gumamit na lamang muna ng Paracetamol kung mayroong lagnat, at iwasan muna ang pag gamit ng Ibuprofen.

Mga hakbang

Nagpahayag ang tagapagsalita ng isang British pharmaceutical company na si Reckitt Benckiser na napagbigay alam na sa kanilang kumpanya ang naturang pangamba sa maaring maging epekto ng Ibuprofen sa mga gumagamit nito na may COVID-19.

Idinagdag nya na ang kaligtasan ng mga mamimili pa rin ang kanilang prayoridad. Isinaad din nya na ang Ibuprofen ay matagal ng napatunayan na mabisang gamot sa lagnat, at sakit ng katawan.

Babala Ng WHO: Iwasan Ang Ibuprofen Sa Mga Sintomas Ng COVID-19 3

Ayon kay Benckiser, hindi sila naniniwala na mayroong sapat na pag aaral at patunay na higit na makalalala ang pag gamit ng Ibuprofen sa mga sintomas ng pasyenteng may COVID-19. Subalit, patuloy silang makikipag ugnayan sa WHO at European Medicines Agency (EMA) upang makapag balangkas nang alituntunin at makapag bigay ng dagdag pag aaral sa nasabing teyorya.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: