Press "Enter" to skip to content

Babala Ni Mayor Isko Sa Mga Hotel Na Pinapalayas Ang Mga Frontliners

Nagbabala si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong nakaraang Biyernes sa mga hotel na nagpapalayas ng mga frontliners na kung hindi sila makikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ay mas mabuting tumigil sa sila sa operasyon.

Sumbong sa lokal na pamahalaan

Ayon kay Domagoso, ang lokal na pamahalaan ay nakatatanggap ng reklamo higgil sa pagpapaalis ng mga hotel sa mga health workers. Ito ay habang umiiral ang Executive Order (EO) 17 na nag uutos sa mga hotel na maging pansamantalang tirahan ng mga frontliners.

Babala Ni Mayor Isko Sa Mga Hotel Na Pinapalayas Ang Mga Frontliners 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Ani Domagoso,

“I have an executive order (EO). We are still under the state of health emergency and the local chief executive is empowered with that EO,”

Dagdag pa niya,

“So it’s either they work with us or they stop doing business in the City of Manila.”

(pumili sila alinman sa dalawa – makipagtulungan sa amin o magtigil-operasyon na kayo sa lungsod ng Maynila)

Libreng pansamantalang tirahan

Noong Marso ay nakipagpulong si Mayor Isko sa mga ilang mga hotel establishments upang maging pansamantalang tirahan para sa mga fronliners at health workers na nakatira sa labas ng lungsod.

Babala Ni Mayor Isko Sa Mga Hotel Na Pinapalayas Ang Mga Frontliners 3
Photo Credit: Manila.gov.ph

Ito ay dulot sa pagsuspinde ng mga pampublikong transportasyon dahil sa pinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon kasama ang Metro Manila.

Ang update sa pakikipagpulong ay makikita sa Tweeter post ng alkalde noong ika-18 ng Marso na nagsasabing,

“At 4:20 PM today, we talked to Sogo, Eurotel and Town & Country for the shelter of frontliners and health care workers living outside the City of Manila. Sogo has pledged to provide 421 rooms, Eurotel to provide 50 rooms, and Town & Country to provide 140 rooms.”

Reaksyon ng mga netizens

Halo-halo ang reaksyon ng mga netizens ukol dito. Makikita ang karamihan ay nagpapasalamat sa aksyon ng alkalde.

Babala Ni Mayor Isko Sa Mga Hotel Na Pinapalayas Ang Mga Frontliners 4
Photo Credit: Facebook/Manila PIO

Marami rin ang nakikisimpatiya sa mga hotel establishments. Ang ilan naman ay kakikitaan ng pagtimbang sa kalagayan ng lokal na pamahalaan at ang kalagayan ng mga naturang establisyemento.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: