Press "Enter" to skip to content

Babayarang Philhealth Contribution Ng Mga OFW, Tumaas Na!

Simula ngayong taon, tataas na ang babayarang kontribusyon ng mga OFW sa Philheath. Bawat isa sa kanila ay dapat ng magbayad ng 3% ng kanilang buwanang kita.

Tatlong porsyento

Ang pagtaas ay inilatag noong nakaraang taon pa at noong Abril 22, ay naglabas na ang nasabing ahensya ng memorandum ukol sa nasabing mandato. Ayon sa Philhealth, ang komputasyon ng tatlong porsyentong kontribusyon ay base sa halaga ng buwanang kita.

Babayarang Philhealth Contribution Ng Mga OFW, Tumaas Na! 2

Pasok sa mandatong ito ang mga kababayan natin na sumasahod ng mula P10,000 hanggang P60,000 sa loob ng isang buwan. Kung ang isang OFW ay sumasahod ng P20,000 buwan-buwan, ang kailangan niyang bayaran ay P600. Sa mga bagong bayani na kumikita ng P720,000 o higit pa sa loob ng isang taon ay kailangan magbayad ng P21,600.

Opsyon sa pagbabayad

Ayon sa Philhealth, ang pagbabayad ng kontribusyon ay maaaring kada quarter ng taon, kalahating taon, o kaya naman isang buong taon. Kaya naman kung ang kita buwan buwan ay P20,000, maaari magbayad ng P1,800 para sa tatlong buwan, P3,600 kung anim na buwan at P7,200 naman kung isang buong taon.

Babayarang Philhealth Contribution Ng Mga OFW, Tumaas Na! 3

Nagbabala ang Philhealth, na kung hindi mababayaran ang kontribusyon pagkatapos ng itinakdang due date, ay mapapatungan ito ng interest. Samakatuwid, magbabayad ang isang OFW ng higit pa sa kanyang buwang kontribusyon kung lalampas ito sa petsa ng pagbabayad.

Pataas ng pataas

Simula January 1, 2021, ang minimun na tatanggapin bayad ng Philhealth ay pang tatlong buwan na kontribusyon. Paglilinaw pa rin nito, nasa OFW na kung nais nitong bayaran na ito ng pang buong taon o pang isang quarter lamang.

Babayarang Philhealth Contribution Ng Mga OFW, Tumaas Na! 4

Asahan din na mas tataas pa umano ang nasabing kontribusyon sa mga darating pang taon hanggang 2025. Mula sa tatlong porsyento ngayong taon, magiging 3.5 ito sa taong 2021. Habang 4 na porsyento naman pagdating ng 2022, 4.5 sa taong 2023 at 5 porsyento pagdating ng 2024 at 2025.

Source: Khaleej Times

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: