Press "Enter" to skip to content

Back To Work Na! Senadora Cynthia Villar, Isinusulong Ang Pagbabalik Trabaho Ng Mga Manggagawa

Isinusulong ni Senadora Cynthia Villar ang pagbabalik trabaho ng mga manggagawa. Ito ang kanyang panawagan sa kanyang phone interview kahapon May 3.

New normal

Ayon kay Senator Villar, marami man sa ating mga kababayan ang nakakapagtrabaho sa bahay sa pamamagitan ng internet, ngunit mas higit ang walang trabaho kung hindi lalabas ng kanilang bahay. Aniya, ang “new normal” na paraan ng pagtatrabaho ay hindi para sa lahat.

“There are people like us who can opt to work from home in the new normal as we know it, but as I have recommended earlier, the daily wage earners, most of whom are financially challenged, and comprise 59% of our population should be allowed to go back to work in order not to go hungry.” ani Senator Villar.

Back To Work Na! Senadora Cynthia Villar, Isinusulong Ang Pagbabalik Trabaho Ng Mga Manggagawa 2

Dagdag pa niya, may mga ayuda man ibinibigay ang gobyerno sa mga tao, ngunit hindi ito sapat para sa araw-araw nilang pangangailangan. Hindi kaya ng gobyerno na tustusan ang lahat ng pangangailangan ng tao kung kaya dapat ng silang pabalikin sa trabaho. 

“No amount of relief and government support will be enough to feed them.” – Villar

Pabalikin na sa tabaho ang lahat

Matatandaan na ipinatupad ang Enhanced Communtiy Quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila noon pang Marso 17. Dalawang beses na itong na extend, at inaasahan na magtatapos na ito sa Mayo 15. 

Mula ng ipinatupad ito, tumigil ang pagtatrabaho ng marami. Lubos na naapektuhan ang mga maliit na manggagawa tulad ng mga daily wage earner. Mayroon na pinalad na maipagpatuloy ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng sistemang work from home ngunit lamang pa rin ang wala trabaho.

Back To Work Na! Senadora Cynthia Villar, Isinusulong Ang Pagbabalik Trabaho Ng Mga Manggagawa 3

Panawagan niya sa mambabatas, makabuo sana sila ng protocol na maaring sundin ng mga manggagawa upang kahit paano ay makapagtrabaho na sila agad. Silang mga nasa lehislatura naman ang hahanap ng paraan kung paano pa matutulungan ang mga kababayan.

Di aattend ng personal

Samantala, habang isinusulong niya ang pagbabalik trabaho ng mga manggagawa, sinabi rin niya na hindi siya dadalo ng personal sa pagbubukas ng kanilang sesyon ngayong Lunes. Aniya, sa pamamagitan lamang ng teleconference siya makikibahagi sa isasagawang proceedings.

Taliwas ito sa naging pahayag ni Senate President Vicente Sotto III, na inaasahan niyang halos lahat ng mga senador ay darating sa muling pagbubukas ng sesyon.

Back To Work Na! Senadora Cynthia Villar, Isinusulong Ang Pagbabalik Trabaho Ng Mga Manggagawa 4

Katulad niya, work form home din ang ginagawa ng kanyang asawa na si Manny Villar Jr. Depensa niya, malaking organisasyon ang hinahawakan at pinapatakbo ng kanyang asawa kung kaya importanteng masiguro ang kanyang kalusugan.

Marami empleyado ang umaasa umano sa kanyang asawa lalo pa at nagbabanta ang recession dahil sa krisis na kinakaharap. Online din itong nagpapatakbo ng negosyo sa tulong na rin ng mga tapat nilang mga staff na pansamantalang tumitira kasama nila.

Back To Work Na! Senadora Cynthia Villar, Isinusulong Ang Pagbabalik Trabaho Ng Mga Manggagawa 5

“Manny and I are staying at home to be safe. Through the help of our faithful staff, who are living with us temporarily, I have been doing my work continuously. And Manny is managing our business online. I can take risk, but Manny cannot,” ani Villar

“He is managing a very big organization with thousands of employees and workers. The companies need him because of a predicted economic recession. We have experienced recessions in 1983 and 1997. Like before, Manny has to manage the business to overcome the present challenge.” – Villar

Kilala ang kanyang asawa bilang pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas. Ayon sa inilabas na datos ng Forbe’s Billionaires 2020, pumalo na sa $5.6 billion ang kanyang net worth.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: