Browse By

Bagong DPWH Sec, Appoint Na Ni Pangulong Duterte

Si President Rodrigo Duterte mismo ang naghirang kay Southern Leyte Representative Roger Mercado bilang bagong Secretary ng DPWH (Department of Public Works and Highways) kapalit ni Mark Villar. Wala pa man konpirmasyon galing sa Malacanang ukol sa naganap na panunumpa pero, mismong si  DPWH public information office chief, Randy del Rosario ang nagkonpirma ukol sa  pag-appoint kay Mercado Miyerkules, October 13. Habang ang anak ni Mercado na si Mayor Nacional Mercado ng Maasin, Southern Leyte ay masayang nag post ng litrato sa panunumpa ng kaniyang ama sa harapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Si Mercado ay hahalili sa iniwang position ni Villar noong October 6,  sa dahilang tatakbo ito sa pagka Senador.

Photo Credit: Rappler

Samantala lang, ang anak ni Mercado na si Mayor Nacional Mercado ng Maasin, Southern Leyte ay masayang nag post ng litrato sa panunumpa ng kaniyang ama sa harapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ang Naging Dahilan

Si Mercado at Duterte ay nagsimula ng kanilang mabuting samahan noong 2016 pa. Bagamat Southern Leyte governor pa lang noon si Mercado at tumakbo sa ilalim ng Liberal Party ay 

nag-pakita na siya ng kanyang pag suporta kay Duterte na tumatakbo sa pagka-Presidente noong panahon iyon. Maliban duon ay nakuwa nya pa lalo ang loob ni Pres. Duterte noong 2019 kung saan ay lumipat na ng partido si Mercado at tumakbo siya bilang Southern Leyte representative at nanalo sa ilalim ng partido ni Duterte PDP-Laban.

Photo Credit: Philstar

Marahil nga, malaki ang pupunan na responsibilidad ni Mercado sa iniwang posisyon ni Villar sa DPWH, sapagkat sa mata ni Pres. Duterte isang kapuri-puri at magaling na taga-pamahala si Villar sa kaniyang tanggapan nuon. Bagamat maraming pag-subok na haharapin si Mercado sa naiatas sa kaniya na posisyon ay isang pribelehiyo ang ma-appoint ng Presidente ng Pilipinas.

Pagkatapos ng pag-appoint kay Mercado ay may 4 ring nabakante na posisyon sa Cabinet posts na dapat mapunan. Ang mga opisyales ay umalis sa dahilang sila ay tatakbo sa eleksyon 2022. Ang mga nasabing posts ay chief presidential legal counsel, agrarian reform secretary, information at communications technology secretary, and Mindanao Development Authority chairperson. 

Source: Rappler

One thought on “Bagong DPWH Sec, Appoint Na Ni Pangulong Duterte”

Leave a Reply

Your email address will not be published.