Press "Enter" to skip to content

Bagong Kagawaran Na Makakatulong Sa Mga OFW, Iminungkahi Ng DOLE

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay may inimungkahing bagong kagawaran na magbibigay serbisyo sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Ang mga serbisyong maibibigay nito ay ang pag-aabot ng tulong, mga benepisyo, at proteksyon para sa kanila.

Tulong sa mga OFW

Ang layunin ng iminungkahing bagong kagawaran ay upang matulungan ang mga modern day heroes ng ating bansa, ang mga OFWs. Ayon kay Labor Undersecretary Joji Aragon, naniniwala sila sa konsepto ng pagsasama-sama ng pagbibigay serbisyo, at dahil nais nila matulungan ang mga OFWs na mabigay ang kanilang mga pangangailangan naisip nila na magkaroon ng bagong kagawaran na tutulong sa kanila.

Bagong Kagawaran Na Makakatulong Sa Mga OFW, Iminungkahi Ng DOLE 2
Photo Credit: ABS-CBN News

Itong ahensya ay makakapag-abot ng tulong o gabay sa kanila, mga benepisyo, proteksyon at pag-iingat. Sa pamamagitan ng ahensya na iyon, mas mabibigyang pansin ang kapakanan ng mga OFWs.

Katuwang ang ibang ahensya

Naniniwala si Labor Undersecretary Joji Aragon na mas mapapahusay at magiging epektibo ang mga programa ng imimungkahing kagawaran, kasama nila rito ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagkakaroon ng bagong kagawaran para sa mga OFWs.

Bagong Kagawaran Na Makakatulong Sa Mga OFW, Iminungkahi Ng DOLE 3
Photo Credit: Philippine Star

Ipinahayag din ni Aragon na umaasa siya na isusunod ito ng Senate kapag sandaling natapos ang pagkonsulto nito sa mga stakeholders. Samakatuwid, inaasahan nila na magkakaroon ng isang kagawaran na tututok at magbibigay serbisyo sa mga OFWs. Sa panahon ngayon marami nang napapabalitang pagmamalupit sa mga OFW, at isa ito sa mabibigyang solusyon ng ahensya at makakapagbigay ng proteksyon sa kanila.

Ang mamumuno

Sa ilalim ng House Bill 5832, ang iminungkahing kagawaran ay pamumunuan ng isang kalihim at kasama niya rito ang lima pang iba na mga undersecretary. Ito ay magkakaroon ng iba’t ibang layunin, ito ay ang pangangasiwa at para sa pinasyal na aspeto, foreign employment, mga aayusin sa diaspora, mga iba pang aalalahanin, paggabay sa mga Pilipino sa ibang bansa ng nakakaranas ng pagpapahirap at iba pang mga kasunduan.

Bagong Kagawaran Na Makakatulong Sa Mga OFW, Iminungkahi Ng DOLE 4
Photo Credit: Business World

Ang ahensya ay magkakaroon ng kontrol sa iba’t ibang opisina na may kinalaman sa mga OFWs tulad na lamang ng Philippine Overseas Employment Administration, ang mga Philippine Overseas Labor Offices na nasa ilalim ng DOLE,at iba pa. Pangangasiwaan din nito ang Overseas Workers Welfare Administration, na kung saan mapapabilang ang mga empleyado nito sa nasabing kagawaran.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: