Press "Enter" to skip to content

Bagong Modus! Promodizer Sa Isang Mall Store, Nahuling Kinokopya Ang Bank Card Number Ng Isang Kostumer!

Nagbabala ang isang netizen ukol sa nagaganap na panloloko sa mga bank card holders. Inilahan ni Kaye Patinio kung paano nito nahuli ang diumano isang mall staff na kinukuha ang detalye ng kanyang card.

Babala

Inilahad ng netizen na si Patinio ang isang uri ng modus na nagaganap sa mall. Ayon sa post, bumili ang biktima sa isang store na kung saan ay napansin nito na hindi agad binalik ng cashier ang kanyang card kahit pa man naibalik na sakanya ang resibo.

Bagong Modus! Promodizer Sa Isang Mall Store, Nahuling Kinokopya Ang Bank Card Number Ng Isang Kostumer! 2

Dito ay naalarma na si Kaye lalo nang makita nito na sinusulat ng cashier ang kanyang bank account sa isang papel. Buti na lamang ay nahuli nya ang kahiba-hinalang gawain ng cashier at agad na binawi ang kanyang card.

Agad din nitong tinanong kung para saan ang ginagawa nitong pagkuha ng kanyang personal na bank card number. Sagot ng cashier, para daw umano sa mall audit.

Modus

Kinwestyon nito ang SM mall ukol sa sinabing patakaran ng cashier.

Aniya,

“Firstly SM, if this is truly for an audit, why give your staff a piece of scratch paper?”

Pinagtataka din ng netizen na kung bakit nagrarason ang cashier na sira ang kanilang machine samantalang naging sucessfull naman ang transaction.

Dagdag pa niya,

Bagong Modus! Promodizer Sa Isang Mall Store, Nahuling Kinokopya Ang Bank Card Number Ng Isang Kostumer! 3

“Secondly, why did your staff try to reason out that the machine was BROKEN even if I had successfully made my transaction already?”

Higit pa riyan, mali ang palihim na pagkuha ng detalye ng bank card number at CVV number.

Ani pa niya,

“Thirdly, my account number, card number and CVV should not be copied, taken a picture of unless there is explicit warning at the counter that you are planning to do so – this is also so that your customers can decline the transaction before it is done!”

Dismayado

Nagpahayag ng inis at galit ang netizen dahil sa nangyari. Aniya ay nagtrabaho ito sa banko at kailanman ay walang merchant rule na kailangan kuhain ang personal na detalye ng card ng customer.

Sa galit, kinuha nito ang papel na pinagsulatan ng kanyang detalye at pinunit ito sa harapan ng mismong cashier. Nang hilingin nito na makausap ang manager, anila ay wala umano ang manager ng store nang mangyari ang insidente. Kaya naman minabuti nito na ireport sa management ng SM ang insidente.

Bagong Modus! Promodizer Sa Isang Mall Store, Nahuling Kinokopya Ang Bank Card Number Ng Isang Kostumer! 4

Payo nito sa mga bank card holders,

“May this be a warning to everyone especially now that we use our cards more to avoid cash transactions. Always look at where your card is or is being brought. They should only 1. Insert your card into the machine, 2. Ask you for your PIN and 3. Give you your receipt. Get your card back as soon as possible and if you can cover your CVV with a sticker then also do it for added protection.”

Promodizer

Ayon sa update ng netizen, iimbestigahan ng store at mall ang nangyaring insidente. Napagalaman din na hindi pala cashier ang babaeng nagsagawa ng transaction nito sa store at isa lamang promodizer. Hindi ito lehitimong staff para humawak sa kaha.

SOURCE: Facebook.com/Kaye Patinio

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: