Press "Enter" to skip to content

Bagong Panganak Na Nanay, Pinalayas Ng Kanyang Landlord Dahil Hindi Makabayad Ng Upa

Isang bagong panganak na nanay ang viral ngayon nang ito ay palayasin ng kanyang landlord dahil hindi makabayad ng upa sa bahay. Sa kasalukuyan ay marami na ang umaaray sa marami sa atin dahil pinapalayas ng kanilang landlord sa kabila ng banta ng Pangulong Duterte na labag ang paniningil ng upa sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

Viral post

Sa video na inupload ng Facebook page ng Gabriela South Caloocan ay makikita ang isang bagong panganak na nanay na umiiyak habang halukipkip ang inosenteng sanggol nito. Sa video ay panay ang hagulgol ito dahil diumano ay pinalalayas ito ng kanyang landlord dahil isang buwan na itong hindi makabayad ng upa. Ang nanay ay kinilalang si Jammy Wolfsburg.

Bagong Panganak Na Nanay, Pinalayas Ng Kanyang Landlord Dahil Hindi Makabayad Ng Upa 2

Walang pusong landlord

Sa video ay makikita ang iilan sa mga opisyal ng barangay na tila pumapagitna sa bangayan ng dalawang kampo. Ayon pa sa ginang, panay umano ang malakas na katok para maningil nito tuwing umaga na syang dahilan upang mabulabog ang sanggol.

Mahinang kalagayan

Sa kabila ng banta ng pangulo ukol sa paniningil ng renta at pagpapalayas sa mga tenant ay tila hindi natinag ang landlord na magbigay ng kunsiderasyon sa kanyang renter. Dagdag pa sa bigat ng sitwasyon ni Jammy ay ang pagiging bagong panganak at breastfeeding nanay nito. Napaka-vulnerable nito sa virus kung maituturing dahil mahina pa ang katawan nito mula sa panganganak.

Bagong Panganak Na Nanay, Pinalayas Ng Kanyang Landlord Dahil Hindi Makabayad Ng Upa 3

Ito ay sinigawan, pinagsalitaan ng masasakit na salita at pinosasan diumano ng mga opisyal ng barangay. Higit pa riyan ay kinandado ang inuupahan nitong unit. Sa kasalukuyan ay nakatira ang mag-ina sa barangay.

Komento ng netizens

Kinundena ng maraming netizens ang ginawang kalupitan ng landlord at ng mga opisyal ng barangay sa kaawa-awang mag-ina. Hangad nila ay makakuha ng hustisya ang mag-ina at mabigyan ng leksyon ang ginawang pagyurak sa kanyang karapatang pantao.

May,2 2020Gabriela South CaloocanMariing kinukundina ng Gabriela south Caloocan ang ginawa ng EXO BRGY ng zone 14 brgy 162 caloocan city sa isang kapapanganak na ina na si Jammy wolfsburg pinapalayas ito sa kanilang inuupahang bahay dahil hindi nakapag bayad ng isang buwang upa habang ang kanyang asawa ay ginugunita ang RamadanTaliwas ito sa katotohanan na sinabi ni duterte na walang papalayasin sa inuupahan sa panahon ng Enhanced Community Quarantine at hindi muna sisingilin ang mga umuupa pinapakita lang nito na sa panahon ng lockdown kabi-kabila ang paglabag sa karapatang pang tao.Si .Jammy wolfsburg ay isang breastfeeding na nanay na bulnerable ngayon sa virus dahil sa ginawang pagpapalayas sa kanilang tahanan ipinapakita lang nito kung ano ang kalagayan ng mga kababaihan sa panahon ng ECQ binabalewala ang Mga batas tulad ng Violation Againts Women and Children(VAWC) at karapatan sibil at karapatan ng umuupa.Sinigawan minura at pinosasan si jammy ng mga opisyal ng brgy at kinandado ang kanilang tahanan sa ngayon nakikitira ang mag ina sa kabilang brgy.Tinatawagan natin ng pansin ang mga opisyal na ginagamit ang ECQ upang yurakan at labagin ang karapatang pangtao at pamdarahas sa mga kababaihan!#AyudaHindiDahas

Posted by Gabriela South Caloocan on Saturday, May 2, 2020

Source: Gabriela South Caloocan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: