Press "Enter" to skip to content

Bagong Quarantine Measures, Inaasahang I-aanunsyo Sa Agosto 17

Malacañang, Philippines – Isang araw bago matapos ang strictly lockdown sa Metro Manila at sa karatig lalawigan, inaasahan na maga-anunsyo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng bagong community quarantine classifications sa darating na Lunes, Agosto 17.

MECQ sa NCR

Sa darating na Martes, Agosto 18 mananatiling nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ang capital region at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal matapos pagbigyan ng Pangulo ang apela ng mga health workers para sa “time out” bunsod ng pagsirit ng COVID-19 infections.

Bagong Quarantine Measures, Inaasahang I-aanunsyo Sa Agosto 17 2

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Inaasahang nagbibigay ng bagong klasipikasyon ang Pangulo sa Lunes.

Ani nito,

“Inaasahan po natin na magmemensahe sa taumbayan muli ang ating Presidente sa Aug. 17 kung saan iaanunsyo din niya ‘yung bagong classifications.”

Pagpanatili ng MECQ sa MM

Nauna rito, sinabi ni Spox na “highly unlikely” para sa pamahalaan na panatilihin ang Metro Manila at mga tinatawag na neighboring economic hubs sa ilalim ng MECQ dahil sa pagkaubos ng resources para tugunan ang pandemiya na dala ng coronavirus.

Bagong Quarantine Measures, Inaasahang I-aanunsyo Sa Agosto 17 3

Ani ni Spox, masusing nire-rebisa ng pandemic task force ng gobyerno ang rekumendasyon para sa quarantine classification para sa nalalabing lugar sa bansa na nag-expire noong Sabado, Agosto 15.

Kasalukuyang estado

Maliban sa Metro Manila at 4 na nakapalibot na lalawigan, ang ibang lugar sa bansa ay hinati sa general community quarantine at modified general community quarantine areas.

Giit nito,

“As of Wednesday,” ang Pilipinas ay nakapagtala ng 143,749 confirmed COVID-19 cases, kung saan ay 72,348 ang aktibo. Ang bilang ng active cases ay mas mataas kapag pinagsama ang tally ng 68,997 na gumaling at 2,404 na namatay.”

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: