Press "Enter" to skip to content

Bagyong ‘Ambo’ Mas Titindi, Metro Manila Magiging Apektado Rin

Ang Tropical Depression na “Ambo” ay inaasahang mas magiging malakas habang lumilipat ito sa rehiyon ng Bicol. Kung saan inaasahan na makagawa ito ng landfall ngayong linggo. Ito ay ayon sa mga forecasters ngayong Lunes.

Ambo

Sinabi ng PAGASA na si “Ambo” ay maaaring isang matinding tropical storm bago tamaan ang Bicol landmass. Ito ay alinman sa araw ng Huwebes o Biyernes. Ang signal ng bagyo ay maaari ring tumaas habang bumabaybay ito sa rehiyon at mga bahagi ng Silangang Kabisayaan simula sa Miyerkules.

Bagyong ‘Ambo’ Mas Titindi, Metro Manila Magiging Apektado Rin 2
CNN Philippines

“Hindi natin niru-rule out na pwede itong lumakas at maging isang ganap na tropical storm bago pa mag-landfall,” -paglilinaw ni Weather Forecaster Chris Perez sa media briefing.

Lokasyon

Si “Ambo” ay huling nakita ng 340 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Ito ay may hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sasentro at pagbugso hanggang sa 70 kph. Magpapatuloy ring magdadala ng nakakalat na mahina hanggang sa katamtaman na may nakahiwalay na malakas na pag-ulan sa Mindanao ang naturang bagyo.

Bagyong ‘Ambo’ Mas Titindi, Metro Manila Magiging Apektado Rin 3
Minda News

Ang bagyo ay maasahan sa susunod na 24 na oras. Sa kasalukuyan ito ay gumagalaw pa hilagang-kanluran patungo sa Luzon.Sa huling pag-update kaninang hapon, sinabi ng PAGASA na ang Metro Manila ay maaaring makaranas ng malakas na pag-ulan. Pati na rin malakas na hangin sa Huwebes ng gabi dahil sa weather disturbance.

Payo ng PAGASA

Pinapayuhan ang mga residente sa mga lugar na ito na ipagpatuloy ang pagsubaybay para sa mga update ng naturang bagyo.. Lalo na ang mga ang mgapagbabago sa lakas at bilis ng bagyo. Pati na rint mga babala ng PAGASA Regional Services Division (PRSD).

Bagyong ‘Ambo’ Mas Titindi, Metro Manila Magiging Apektado Rin 4
Inquirer News

Ayon pa sa PAG-ASA, ang publiko at disaster risk reduction and management council ay pinapayuhan na gumawa ng nararapat na aksyon at mag-abang para sa susunod na Severe Weather Bulletin na ipapalabas sa mga susunod na oras.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: