Press "Enter" to skip to content

“Baka May Alam Kayo Na Puwede Kong Applyan?” Dante Gulapa, Nanawagan Sa Kanyang Mga Taga-Suporta

Ang online sensation na si Dante Gulapa hindi na nag-atubiling manawagan sa kanyang mga followers sa social media upang manghingi ng tulong na makahanap ng trabaho sapagkat lubhang naapektuhan ang kaniyang hanapbuhay simula nga raw nang dumating ang COVID-19 sa bansa.

Ang dating Dante

Matatandaang naging viral si Dante Gulapa noong taong 2019 dahil sa pinauso niyang “eagle dance.” Naantig din ang puso ng marami sa kanyang kwento na kanyang ibinahagi kung saan kinailangan niyang makipagsapalaran sa pagiging macho dancer para lamang mabayaran ang utang ng kanyang pamilya.

“Baka May Alam Kayo Na Puwede Kong Applyan?” Dante Gulapa, Nanawagan Sa Kanyang Mga Taga-Suporta 2
Photo Credit: PUSH

Matapos nga siyang mag-viral, nakakuha siya ng mga raket at gig sa iba’t ibang mga palabas sa telebisyon na kanyang pinagkukuhanan ng pangsuporta sa pamilya.

Pandemya sa buhay ni Dante

Ngayon, matapos manalasa ang COVID-19 sa kabuhayan ng marami sa buong mundo, tila si Dante ay isa sa mga naapektuhan nito.

Sa kanyang post sa Facebook noong Linggo, ika- 12 ng Hulyo, ibinahagi ni Dante ang kanyang kalagayan kasabay ng kanyang panawagan sa mga netizen.

“HI PO MGA KA IDOL MUSTA PO KAU MAG TATANONG LANG PO AKO BAKA MAY ALAM KAU PWDE KO UPLAYAN TRABAHO MGA IDOL KC HIRAP NG BUHAY NGAUN PARA MAY PANG SUPORTA NAMAN PO AKO SA MGA ANAK KO (sic).” 

“Baka May Alam Kayo Na Puwede Kong Applyan?” Dante Gulapa, Nanawagan Sa Kanyang Mga Taga-Suporta 3
Photo Credit: PUSH

Ayon sa kanya, naglakas-loob na siyang gawin ito sapagkat kailangan niyang suportahan ang kanyang mga anak dahil bukod sa siya na lamang ang inaasahan ng mga ito, hindi na rin niya kasama ang kanyang asawa ngayon na itaguyod ang kanilang anak.

Aniya,

“PM LANG NINYO IDOL KUNG MAY ALAM PO KAU KC BUMOKOD NA PO MUNA AKO KC LAGI NA KAMI NG AAWAY NG ASAWA KO KAYA E2 KAILANGAN KO NA PO MGA HANAP BUHAY MGA IDOL PARA MA SUPORTAHAN KO 3 KO ANAK,”

May mga utang kay Dante, ‘di pa bayad

Sinabi niya rin na may pina-utang siya ngunit hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya nababayaran.

“Baka May Alam Kayo Na Puwede Kong Applyan?” Dante Gulapa, Nanawagan Sa Kanyang Mga Taga-Suporta 4
Photo Credit: YouTube

Sabi niya,

“KC YONG MGA PA UTANG KO NA PERA KINITA KO HINDE PO AKO NAKAKA SINGIL TAPOS WALA MGA EVENT KAYA E2 NGA2 PO AKO NGAUN IDOL WALA PO AKO MGA EXPERYES SA PAG TRABAHO MGA IDOL PURO DISKARTE LSNG PO ALAM KO KAYA E2 HUMIHINGI PO AKO SA INYO NG MGA ADBAYS PARA PO KUNG ANO PO PWEDE KO GAWIN IDOL MARAMING SALAMAT PO.”

Ang kanyang post ay umani ng libo-libong likes and shares na talaga namang hindi binalewala ng kanyang mga taga-suporta.

Panuorin ang kanya pang panawagan:

Source: PUSH

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: