Press "Enter" to skip to content

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD

Manila, Philippines – Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay may programang naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa 18 milyong nangangailangang pamilya. Ito ay sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Bayanihan to Heal as One Act.

Programang pinansyal

Bukod sa 3.7 milyon na mga benipisyaryo ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), mahigit 4,400,000 na mga low income household pa ang naitala sa buong Pilipinas na mabebenipisyuhan ng gobyerno ng SAP.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 2
Source: ABS-CBN

Batay sa mga pahayag ng DSWD, ang 18 milyon ay mga low-income na pamilyang higit na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa.

Sino ang sakop ng SAP

Ang buong bansa ang sakop ng SAP. Ito ang inilabas na proseso ng DSWD upang makatanggap ng tulong ang lahat mula sa Social Amelioration Program.

Mamamahagi ang mga lokal na pamahalaan o LGU ng social amelioration card (SAC) forms sa pamamagitan ng “house to house basis” o pagpunta sa bawat kabahayan.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 3
Source: DSWD

Ang puno ng bawat pamilya ang siyang magsusulat ng impormasyon sa SAC form. Mamahagi ang LGU ng dalawang kopya ng porma. Ang isa ay kopya ng LGU at ang isa naman ay kopya ng pamilya.

Sino-sino nga ba ang makakatangap ng social amelioration

Nakasaad sa Joint Memorandum Circular No.1 na inilabas kamakailan lamang, ang pangunahing target ng nasabing amelioration program ay ang mga pamilyang mahihirap. Sila yung mga wala sa pormal na sector na walang makukuhaan ng anumang income dahil sa ipinatupad na ECQ.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 4
Source: ABS-CBN

Samantala, wala pang nakumpirma ang DSWD na mga ispesipikong hanapbuhay na kasama sa SAP. Ngunit ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang live facebook update ng Abril 1, kanyang sinabi na kasama ang mga sumusunod.

1.) Senior Citizens – na walang natatanggap na tulong pinansyal o buwanang pensyon mula sa dating pinag-tatrabahuan.
2.) Persons with Disability
3.) Pregnant and Lactating Women – ang isang pamilya na may buntis na kasama ay kabilang sa mabibigyan kung wala sa pamilya ang may patuloy na walang trabaho.
4.) Solo Parents
5.) Overseas Filipinos Workers – Sila yung mga hindi na nakaalis, nakapag trabaho at nakabalik dahil sa pag papauwi o pag banned dahil sa banta ng Covid-19
6.) Mga kapus-palad at mamamayang walang tirahan – mga pamilya na nakatira sa estero at ilalim ng mga tulay
7.) Mga maralitang katutubo
8.) Informal Economy Workers
a. Occasional Workers (e.g. labandera)
b. Subcontracted Workers (e.g. pakyaw workers)
c. Homeworkers (e.g. workers in family business such as crafts making, food processing, etc.);
d. Kasambahay at family driver
e. Pedicab, UVs, Tricycle, PUJs, Taxi, PUBs, Transport Network Vehicle Service (TNVS) and Transport Network Companies (TNC) drivers (also includes Grab, Angkas, Joyride riders and such)
– micro-business and Sari-sari Store owners, and other similar business with asset less than Php10,000

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 5
Source: Governent PH

Paglilinaw ng DSWD, kahit pasok sa listahan ngunit ang hanapbuhay ay hindi naapektuhan ng ECQ, ay hindi pa rin mapapasali sa ayuda.

Sa mga kwalipikado, ihanda lamang ang mga dokumentong magpapatunay na ito ay yung estado sa buhay kapag mag pumunta sa bahay para mag tanong at mamahagi ng ayuda.

Dagdag pa ni Dumlao, hindi kasama ang mga pamilyang mayroon isang miyembrong nagtatrabaho sa gobyerno sapagkat patuloy ang pasweldo sa mga kawani ng pamahalaan.

4P’s kasama nga ba sa mabibigyan ng SAP

Nilinaw naman ng DSWD na kasali pa rin sa programa ng SAP ang mga myembro ng 4p’s. Taliwas ito sa unang pahayag ni Nograles na labas ang 4p’s sa programang ito.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 6
Source: CNNPhilippines

Ayon pa kay Dumlao,

“I already clarified this with CabSec (Cabinet Secretary Karlo Nograles). He meant that 4P’s beneficiaries are excluded only from filling up the SAC form.”

Batay sa Republic Act No. 11469, ang Bayanihan to Heal as One Act, iniuutos na bawat miyembro ng pamilya na may low income ay nakatala na makatanggap ng emergency subsidy na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 7
Source: Philstar

Pinahayag pa ni Dumlao na nagpa labas na ang gobyerno ng P16.3 bilyon na emergency subsidy para sa 3.7 milyon na benipisyaryo ng 4P’s na pumasok naman sa kanilang mga cashcard simula noong Abril 3 hanggang Abril 5.

Higit pa sa isang pamilya sa isang bahay

Ayon sa pahayag ni Dumlao, bawat pamilya ang unit of assistance ng mga makakatanggap ng ayuda at hindi pisikal na bahay. Kung halimbawa, 4 pamilya ang nakatira sa iisang bahay, 4 SAC form ang makukuha ng nasabing bahay.

Ngunit kung sa 4 na pamilya, may isa o higit pa ang hindi pasok sa kwalipikasyon, tanging mga natitirang pamilya lamang na mapapatunayang tunay na nangangailangan ang bibigyan ng form.

Mga nakatira sa tawid isla

Base sa proseso na inilabas ng DSWD, ang mga opisyal ng LGU ang pupunta sa bawat tahanan upang mamigay ng SAC form. Kahit ang mga tawid islang lugar ay pupuntahan ng mga opisyal.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 8
Source: MSN News

Nairekomenda na din ng Secretary ng DSWD na si Rolando Bautista na sa mga ganitong kaso, pagka umikot ang mga opisyales upang mamigay ng porma ay isabay na din ang pag bigay ng ayudang pinansyal.

Hindi pa pinupuntahan ng LGU

Ayon kay dumlao, ang lahat ng LGU sa buong bansa ay makakatanggap ng SAC form. Kaya’t hinihikayat niya na manatili sa bahay at hintayin lamang ang mga namamahay-mahay para mamahagi ng nasabing porma.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 9
Source: Philstar

Kung hindi man, mag tungo at maki-ugnayan sa opisyales ng barangay para hingin ang SAC form. Siguraduhin lamang ang pag obserba ng social distancing kapag lumalabas ng bahay.

Kulang ang perang ibinigay

Maari itong i-report sa DSWD hotline na 8-951-2803. Ayon sa DSWD, ang sinumang lokal na opisyal na mahuling nangloloko sa pamimigay ng ayuda mula sa SAP ay kakasuhan at maaring makulong.

Limitadong SAC forms

Ang “indicative number of target beneficiaries” ang tanging paliwanag ng DSWD batay sa limitadong forms ng mga LGU sa kasalukuyan. Sa ngayon, wala pang detalyadong paliwanag kung paano nakarating sa ganitong bilang ng benipisyaryo ng bawat lugar.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 10
Source: Sunstar

Sinabi ni Dumlao na bawal ipakopya o ipa-photocopy ang mga SAC forms dahil ito’y may kaukulang code at serial number bawat porma.

Ayon naman kay Cayetano sa kanyang nakaraang facebook live, kapag kumulang ang SAC forms sa isang lugar ay kailangan ibalik ng LGU sa nibel ng nasyonal na pamahalaan upang mapatunayan na mayroon pang hindi mga naisama sa programa.

Bakit Hindi Ako Kasali? Mga Katanungan At Sagot Ukol Sa 5k-8k Financial Assistance Ng DSWD 11
Source: DSWD

Sa huli, sinabi ni Cayetano,

“Let me make it clear na nagkakaisa kami ng DSWD na walang red tape. Yung hangarin nga, is that mabilisan ito at magawa kaagad. So siguro doon sa iba na nakapagsalita ng malabo, matagal, etcetera, that’s based on ‘yung pagpapalit-palit ng guidelines, kasi it’s the first time na may ganito kalaking programa na P100 billion a month halos, for 18 million Filipino families,” ani Cayetano.

Source: Manila Bulletin

4 Comments

  1. Vilma santos sanchez Vilma santos sanchez April 12, 2020

    Sa mga taga Dilg po dto posa brgy.culiat tandang sora q.cty kpg tinattwgn po sila kung bkit wla pa ang sac form galit po yung smagot s brgy.ayw po nila nttanong eh trabho po nila yan sinusuwelduhn po sila ng govyerno tpos ang mga pgsagot posa mmyan eh bastos po nnawagn po ako s dilg isa po akong solo parent inaalm ko lng po yung karapatn k bilang solo parent po wla p dw pong sac form mttpos napo ang lockdown parati po sinsgot ng brgy.dto po sa brgy.culiat wla pa dw po ako dun dw po ako magreklamo s DSWD s nnunungkulan po sa DILG pki imbestigan nio po yang brgy.culiat pati po relief goods binulsa na

  2. Jesus Jesus April 12, 2020

    May mga 4ps n magganda ang buhay mga mga work sna mgacheck nio lhat ska pano nmn po kme wla work dhil sa lockdown sumahid man 50% pero kulng lalo n nagppadede asawq may 2 maliit p kme bkit need mamili ng ibng nagbibigay sna fair sa lhat last

    • Jesus Jesus April 12, 2020

      Plss maging fair po maging maus po sna

Leave a Reply

%d bloggers like this: