Press "Enter" to skip to content

Bakit Nga Ba Kailangan Ng Internal Cleansing Sa Pulisya At Mga Kawani Ng Gobyerno Para Sa Mas Epektibong War On Drugs Ayon Kay Bato?

Quezon City, Philippines – Apat na taon simula noong itinatag ang War on Drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit inaamin ngayon ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na sana ay nagsimula munang linisin ang mga scalawag o tiwaling miyembro ng pulisya bago sugpuin ang kriminalidad.

Internal Cleansing

Ihinayag kamakailan ni Bato sa isang podcast na isa itong complex decision. Kasabay ng kampanya ng War on Drugs ni Pangulong Duterte ay ang kanilang pag-iimbestiga sa mga pulitiko at pulisyang kasangkot din sa krimen.

Bakit Nga Ba Kailangan Ng Internal Cleansing Sa Pulisya At Mga Kawani Ng Gobyerno Para Sa Mas Epektibong War On Drugs Ayon Kay Bato? 2
Photo Credit: Business Mirror PH

Ani ni Bato,

“So I think… the best model should be …nilinis muna namin yung hanay namin. Then after that, banat sa labas. Internal cleansing muna, then external war. Internal war to external. Ang ginawa namin kasi sabay-sabay.”

dagdag pa niya,

“ang nangyari medyo alam na natin talaga na may mga nangyari na sinasakyan ng mga mga loko-lokong mga sindikatong mga pulis at mga pulitiko yung ating war on drugs dahil nga na-involve din sila sa war on drugs. At the same time, they are involved in the drug syndicates.”

Bakit Nga Ba Kailangan Ng Internal Cleansing Sa Pulisya At Mga Kawani Ng Gobyerno Para Sa Mas Epektibong War On Drugs Ayon Kay Bato? 3
Photo Credit: Business Mirror PH

Tinatanggap umano ni Bato ang mga kritiko sa mga nangyaring imbestigasyon at mga operasyon na nagkukulang sa tamang proseso patungkol sa human rights. Hindi ma-ikakaila na ang pagkukulang na ito ay nagbigay bahid sa pangalan ng pulisya.

War on Drugs

Sa pangkalahatang kampanya laban sa droga ay inamin ni Bato na hindi gaanong natutukan ang panig ng tagapagpatupad. Hindi gaanong naimbestigahan ang mga tiwaling pulitiko, pulisya at iba pang mga taong kawani ng gobyerno.

Bakit Nga Ba Kailangan Ng Internal Cleansing Sa Pulisya At Mga Kawani Ng Gobyerno Para Sa Mas Epektibong War On Drugs Ayon Kay Bato? 4
Photo Credit: Business Mirror PH

Dito na naabuso at nakatutok lang umano ang kampanya sa iisang panig na siyang nagdulot ng pagkasira at hindi pantay na proseso ng kampanya dahil sa mga naglalalabasang ebidesiya laban sa mga baluktot at tiwaling operasyon ng tagapagpatupad ng kampanya.

SOURCE: Business Mirror PH

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: