Press "Enter" to skip to content

Bakuna Para Sa COVID-19 Ng Russia, Epektibo. Anak Ni President Putin, Binakunahan!

Last updated on August 12, 2020

Moscow, Russia – Ipinagmamalaki ngayon ng bansang Russia sa buong mundo sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Vladimir Putin na sa kanilang bansa unang naaprubahan ang bakuna laban sa coronavirus kamakailan lamang.

Pasado

Sinabi ng mga siyentipiko ng bansang Russia ang bakuna ay pumasa lahat ng mga pagsubok at napatunayan ang kaligtasan at pagiging epektibo nito.

Bakuna Para Sa COVID-19 Ng Russia, Epektibo. Anak Ni President Putin, Binakunahan! 2
Photo Credit: RT News

Ani nila,

“Ang aming gamot ay sapat na panlaban sa nasabing epidemya at ngayon ay makapagbibigay ng bagong pag-asa hindi lamang sa aming bansa, kundi sa buong mundo”.

Dagdag pa ng mga siyentipiko, na kung ang kanilang matagumpay sa pagbabakuna kontra sa virus ay tuluyang nang maipapakalat sa buong sangkatauhan, marahil ay balik normal na ang ating buhay.

Clinical trials

Sinabi naman ni Putin, base sa kanilang mga clinical trials ay naging matagumpay ito dahil lahat ng nagboluntaryo ay matagumpay na gumaling at nakapag build-up ng immunity laban sa Coronavirus.

Bakuna Para Sa COVID-19 Ng Russia, Epektibo. Anak Ni President Putin, Binakunahan! 3

Maging ang isa sa mga anak umanong niyang babae ay binakunahan na ng nasabing covid vaccine.

Tugon pa ng presidente na, unang mabibigyan ng bakuna sa kanilang bansa ang mga medical workers, mga guro o yung mga talagang naka pronta sa mga gawaing delikado at madaling makasagap ng nasabing virus o yung “risk group at mga frontliners”.

Bakuna Para Sa COVID-19 Ng Russia, Epektibo. Anak Ni President Putin, Binakunahan! 4

Samantala, maaalala na isa ang bansang Russia na pinakamayamnag bansa na sumusubok tumuklas ng ng bakuna laban sa COVID-19.

Pahayag ng Pangulong Duterte

Matatandaan na kaninang madaling araw ay nag pahayag ang Pangulo na maganda ang kinalabasan at “very promising” ang naturang bakuna. Ito ay matapos na magpahayag sa kaniyang virtual press briefing ang Russian Ambassador na si Igor Khovaev.

Bakuna Para Sa COVID-19 Ng Russia, Epektibo. Anak Ni President Putin, Binakunahan! 5
Photo Credit: Pinas Balita

Sinabi din ni Duterte na lubos niyang ikinatuwa ang pag tulong at aksyon ng Russia para sa Pilipinas pa tunay lamang na ang dalawang bansa ay matalik na magkaibigan.

Ani ng Pangulo,

“Nagpapasalamat ho ako sa inyo sa mabuting loob ninyo sa Filipino. Someday, we will, makabayad man lang kami sa utang na loob sa inyo.”

Dagdag pa niya,

“Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan. In public, magpa-injection ako. Ako yung unang ma-experimentuhan, okay sa akin. Sabihin ko rin kay President Putin that I have faith in your studies in combating COVID and I believe that the vaccine you have produced is really good for humanity.”

Source: RT News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: