Press "Enter" to skip to content

Balik-Bayan Box Mula Lebanon, Nilapastangan At Ninakawan Ng Pinagpadalahanang Pinoy Cargo

Cagayan De Oro – usap usapan na naman ngayon sa OFW groups ang reklamo ng isang Pinay OFW matapos na lapastanganin ng isang cargo ang kaniyang balik-bayan box mula Lebanon.

Pagka-dismaya

Sa facebook post ni Hayete Ana, kaniyang sinabi na ipinadala niya ang balik-bayan box noong Enero pa ngunit ngayong Oktubre-12 lamang niya ito natanggap. Bukod pa dito, nirereklamo niya din ang naturang kargo dahil sa pag lapastangan at pagpabaya sa kaniyang box.

Balik-Bayan Box Mula Lebanon, Nilapastangan At Ninakawan Ng Pinagpadalahanang Pinoy Cargo 2

Kaya naman lubos siyang nanlumo matapos niyang buksan ang kaniyang pinadalang balikbayan box na nag-dudugitata at basang basa ang loob at laman ng kahon. Dagdag pa dito ang kaniyang hinagpis dahil sa mga kagamitan na nawawala sa loob ng kaniyang pinadalang box.

Ayon kay Hayete,

“Guys pakitulongan naman ako, ung cargo ko nong January ko pinadala at kahapon ko lng natanggap. almost 9 months na sya guys at nang natanggap ko ganito ang hitsura nya guys.”

Dagdag pa niya,

“ninakaw ang mahahalagang bagay at basa lahat nang damit ko at mabaho na guys pakishare naman to kay raffy tulfo plss guys.”

Ninakaw na kagamitan

Ayon pa kay Hayete, ninakaw sa loob ng kaniyang pinadalang box ang mga appliances na inilagay niya. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay Pinoy Cargo pa naka pangalan ang kumpanya kung saan siya Nagpadala ng bagahe.

Balik-Bayan Box Mula Lebanon, Nilapastangan At Ninakawan Ng Pinagpadalahanang Pinoy Cargo 3

Dagdag pa dito, kaniya rin na inisa-isa ang mga kagamitan na nawawala sa loob ng box na matagal niyang pinag ipunan para maibili ito ng siya ay nasa Lebanon pa nag ta-trabaho.

Aniya,

“Sayang ung mga gamit. eto ang mga gamit na nawala guys. rice cooker, juicer, electric fan, waffle maker, 4 na pang durog nang garlic, plantsa, bag na sling, digital camera, jaket at kumot na makapal guys.”

Dagdag pa niya,

“sayang un guys pinaghirapan ko un pls pakishare naman to plss. PINOY CARGO po ang pangalan nang pinadalhan ko sa LEBANON poh salamat sa pag share nyo.”

Ang salarin

Kasunod ng kaniyang unang ipinost na itsura ng kaniyang natanggap na kahon ay ipinost din ni Hayete ang larawan ng may-ari pati na rin ang resibo nito. Kaniya din pinaliwanag kung bakit yung mga nawawalang gamit ay hindi niya sinama sa pag itemized ng pag papadala.

Balik-Bayan Box Mula Lebanon, Nilapastangan At Ninakawan Ng Pinagpadalahanang Pinoy Cargo 4

Ayon kay Hayete,

“eto poh ang may ari nang pinoy cargo at yang resibo na yan sila ang nag deliver sa amin.”

Dagdag pa niya,

“eto po ang resibo ko don sa lebanon hindi nakalagay ang rice cooker dvd plantsa at digital jan kasi wala nang space nilgay nalng personal effects.”

Balik-Bayan Box Mula Lebanon, Nilapastangan At Ninakawan Ng Pinagpadalahanang Pinoy Cargo 5

Kaya naman grabe ang kaniyang hinagpis at pagmamakaawa na sana matulungan siya ni Idol Raffy sa kaniyang reklamo na paimbestigahan ang naturang kargo. Bukod pa dito, napag alaman din na hindi siya ang unang beses na nakaranas ng ganitong pagpabaya ng naturang kumpanya sa mga pinapaalang balik-bayan box.

Lumitaw kasi sa isang komento ang pangalan ng isang OFW din na nagpadala sa naturang kumpanya, ngunit ang ka pansin-pansin sa lahat ay ang parehas na itsura ng pinadalang bagahe ni Hayete kung saan basang basa din ito at nag dudugitata.

Samantala, umaasa naman si Hayete na maaksyunan at matulungan si Idol Raffy sa kaniyang hinaing. Sa ngayon ay umabot na sa 28k shares ang kaniyang post at mayroong 4.8k na mga komento.

guys pakitulongan naman ako ung cargo ko nong January ko pinadala at kahapon ko lng natanggan almost 9 months na sya…

Posted by Hayete Ana on Saturday, October 10, 2020

eto poh ang may ari nang pinoy cargo at yang resibo na yan sila ang nag deliver sa amin😭😭😭

Posted by Hayete Ana on Saturday, October 10, 2020

Source: Hayete Ana

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: