Press "Enter" to skip to content

Balik Eskwela Sa Agosto, Inapela Ni Trillanes Na I-postponed Muna

Manila Philippines- Isinusulong ngayon ni former senator Antonio Trillanes IV at isang propesor ng UP College of Public Administration and Governance na ipagpaliban muna ang planong pag babalik eskwela ng mga pampublikong paaralan at gawin na lang Enero dahil sa banta pa din ng COVID19.

Ang panayam

Ayon sa kanyang panayam noong ika-22 ng Mayo kung saan hinihimok nito ang Department of Education [DepEd] at Commission on Higher Education o [CHED] na ikonsidera ang naging desisyon nitong pagbubukas ng mga eskwelahan sa Agosto. Ito ay dahil sa kawalan ng katiyakan at pagkabalisa na dinala ng banta sa kalusugan ng nasabing virus.

Ang panayam- Balik Eskwela
Photo Credit: GMA

Ang paghihimok na ito ay para sa mga pampublikong eskwelahan ng elementarya at high school na gawin sa buwan ng Enero taong 2021 kasama ang unibersidad ng mga kolehiyo, maliban lamang sa mga paaralan na nagtapos na at magpapatupad ng buong online na kurso sa Agosto 2020.

Ang mga eskwelahan

Samantala sinabi pa nito na ang lahat ng pribadong mga eskwelahan ay maari ng magbukas sa nakatakdang i-skedyul nito, sa kondisyon na online na pagtuturo at walang mga aktibidad ng laboratoryo. Gayundin ang distansyang pagtuturo at pag-aaral sa bahay ay maari nang ituloy sa nakatakda din na iskedyul para dito.

Mga Eskwelahan- Balik Eskwela
Photo Credit: Kami

Paliwanag pa ng senador na maari di umano mag pasa nang batas ang Kongreso ng isang resolusyon sa pagsuspindi sa ilalim ng “Seksyon 3 ng RA 7797,”. Binigyan diin naman ni DepEd Briones na papayagan lamang ang face-to-face kung pahihintulan ito ng lokal at kung may grado ng kalubhaan ang peligro, gayundin kung sumasailalim ito sa pagsunod sa dapat na pamantayan sa kalusugan.

Ang pinayagan na

Ang mga pribadong eskwelahan naman ay pinayagan ng magbukas ng klase sa darating na Hunyo, sa kondisyon na hindi sila gagamit ng face-to-face na pagtuturo.

Ang Pinayagan- Balik Eskwela
Photo Credit: Bbc

Sa kabilang banda sinabi naman ng CHED na ang mga unibersidad na gumagamit ng makalumang akademikong kalendaryo kung saan nagbubukas ito tuwing Hunyo, ay dapat i-adjust nito ang akademikong taon at umpisahan ang “flexible-learning sa Agosto.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: