Press "Enter" to skip to content

“Balik-Probinsya” Program Isinusulong Ni Senator Bong Go Upang Masugpo Ang COVID-19

Iminungkahi ni Senator Christoper “Bong” Go na tulungan ng gobyerno ang mga residente sa Metro Manila na nais ng permanenteng manirahan sa probinsiya. Nais niya itong mangyari pagkatapos ng lockdown sa buong Luzon.

Balik-Probinsya program

Sa ilalim ng programang “Balik-Probinsya,” layunin ni Senator Go na suportahan ng nasyonal na pamahalaan ang pamasahe ng mga pamilyang nais ng umuwi sa kani-kanilang probinsya at doon na permanenteng manirahan. Bibigyan din sila ng magiging hanapbuhay upang maayos silang makapag babagong buhay.

"Balik-Probinsya" Program Isinusulong Ni Senator Bong Go Upang Masugpo Ang COVID-19 2

“Paghandaan na natin ang ‘new normal’ at isa sa pinaka-importanteng hakbang na dapat nating gawin ay ang paglilipat ng mga tao mula sa mga siyudad papunta sa mga probinsiya,”

Walang urban planning

Aniya, isa sa mga dahilan kung bakit hirap sugpuin ang COVID-19 ay dahil sa siksikan na sa dami ng tao ang buong Metro Manila. Dahil sa kawalan umano ng “urban planning at rural development” kung kaya mabilis ang pagkalat ng virus. Isa rin umano itong dahilan kung bakit bumabagal ang pamamahagi ng mga ayuda ng gobyerno.

"Balik-Probinsya" Program Isinusulong Ni Senator Bong Go Upang Masugpo Ang COVID-19 3

“Kailangan talaga i-develop ang iba pang probinsiya para mabawasan ang tao sa Metro Manila. Masyadong masikip dito, mabilis kumalat ang sakit. Masyado ring maraming tao, hirap na hirap tayong maalagaan lahat ng apektado [ng sakit],”

Dagdag pa niya, “Kung hahayaan lang natin na patuloy na magsikip ang mga tao sa Kamaynilaan, mas mataas ang tyansa na manumbalik na naman ang pagkalat ng virus.”

Paghimok sa mga mamumuhunan

Hinimok din ni Senator Go ang mga mamumuhunan sa bansa na dalhin ang kanilang negosyo sa mga probinsya. Ito ay upang mapaunlad ang mga rural areas ng bansa. Malaking tulong din ito upang tumaas ang porsyento ng trabaho. Kung mangyayari ito, marami sa mga nasa probinsya ang di na mapipilitan pumunta sa siyudad upang maghanap ng mapagkakakitaan.

"Balik-Probinsya" Program Isinusulong Ni Senator Bong Go Upang Masugpo Ang COVID-19 4

Siniguro naman niya na kung maaaprubahan ang kanyang suhestyon ay dadaan muna sa Coronavirus testing ang lahat ng uuwi. Ito ay upang masiguro na wala silang COVID-19 at hindi mangamba ang mga daratnan nilang tao sa kanilang probinsya. 

Source: ABS-CBN News

4 Comments

  1. let roldan let roldan April 23, 2020

    Lahat n violator at violente pa.bigyan ng sample ikulong bugbugin din para fair.kawawa ang mga tanod maliit n sagot buwis buhay p s pagtupad ng ECQ.masasaktan pa…

  2. Zaldy Calma Zaldy Calma April 24, 2020

    Sana po makauwi din kami sa calapan mindoro dami po namin d2 construction sa pasay….makauwi muna sana kami bago mag total lockdown…salamat

  3. excel mendoza excel mendoza April 25, 2020

    Balik probinsiya program ay malaking pabor para sa mga taong katulad ko.
    Isa sa mga dahilan kung bakit andito ako sa manila ay upang kumita ng pera at makapag ipon.at kapag nakaipon na ako magpapagawa ako ng maliit na bahay na may tindahan.gusto ko din mag tesda mag aral magtahi.dito sa taguig may libreng edukasyon kung kayat dito ako tumira.kapag natapos ko lahat ng plano ko.
    I swear uuwi po talaga ako ng probinsiya. As of now mag iipon muna…

  4. excel mendoza excel mendoza April 25, 2020

    Sana itaas ang sahod sa probinsiya kc mas mahal ang bigas samin sa zamboanga.at halos walang pinagkaiba sa manila ang bilihin sa zamboanga.tapos mahal din pamasahe tapos 280 lang minimum? Kaya nagsisiksikan mga tao dito kc kahit papano maraming raket dito sa manila.katulong sa probinsiya 3k dito sa manila 6k.minimum dito 500 plus duon swerte na kapag 300 arawan. 😂😂😂 kaya sana taasan pasahod sa probinsiya tiyak marami mag uuwian..

Leave a Reply

%d bloggers like this: