Browse By

Balik Tanaw: Kwentong Kababalaghan ng mga Pinoy Celebrities

Kumakatok na naman sa ating mga pinto ang “Halloween Season” at sa panahong ito ay usong-uso ang mga kwentong katatakutan at kababalaghan.

Photo Credits: Tonights.tv

Halina’t magbalik tanaw tayo sa mga nakakatakot na kwento na naging karanasan ng ilang mga Pinoy Celebrities sa mundo ng paranormal at kababalaghan.

Anne Curtis “Katok”

Photo Credit: JessLisama

Sa lumang bahay umano nila Anne Curtis sa Mandaluyong habang sya ay natutulog sa kanilang sofa sa sala ay nakarinig sya ng tila kumakatok sa bintana, inakala nya na ito ay ang kanyang ama o kaya ay kanyang mga pinsan na nagsidating na, ngunit ng kaniyang sinilip ay wala namang tao kaya’t hindi nya ito pinansin.

Nadinig ulit ni Anne ang katok ng pangalawang beses at ito ay kanyang nadinig na nanggagaling sa bintana sa kanilang likod na kusina sa kanyang kaliwa, ito ay ayaw nyang tingnan unti-unti nang nababalot ng takot ang aktress.

Tumayo ang aktress at nadinig nya ng pangatlong beses ang katok ngunit ito ay nagmumula na sa pintong papasok ng kanilang panlikod na kusina, natakot na si Anne, sya ay inabutan ng kanyang tita at takot nyang sinabi na may kumakatok nga sa kusina. Ayaw syang paniwalaan ng kanyang tita at sabay nilang binuksan ang pinto at sila ay nangilabot sa kanilang nakita.

Source: Showtime Halloween Special

Ayra Mariano “White Lady”

Photo Credits: Pep

Noong nasa grade 5 pa umano si Ayra ay nakaranas sya ng isang bagay na hindi maipaliwanag. Sila noon ay nakatira sa bahay ng kanyang lola sa Bocaue kasama ang kanyang Ina. Ayon sa kanyang kwento, doon sa bahay ng kanyang lola ay mayroong bintana na kahoy na kung saan ang bintanang ito ay katapat din ang bintana ng kanilang kapitbahay sa di kalayuan. Minsan lahad nya ay nagkaka-kitaan sila doon ng kanilang kapitbahay kung saan sila ay nagbabatian.

Tahimik ang kanilang bahay noon at sya ay naghahanda para sa kanyang darating na exam at ang atensyon nya ay nakatuon sa kanyang pinagaaralan. Sa di maipaliwanag na dahilan ay napatingin sya sa kanyang kaliwa kung saan naroon ang bintanang kahoy na katapat ng kanilang kapitbay. Napansin nya na bukas ang dilaw na ilaw nito at bigla na lang sumulpot sa bintana ang isang naglalakad na babae na nakasuot ng puting lumang wedding gown at may hawak na bouquet na tila lanta na.

Ang babae di umano ay may suot na mahabang belo na natatakpan ang kaniyang mukha, ang buhok nito ay kulot-kulot at ito ay naglalakad ng mabagal. Panandalian nyang inalis ang kanyang tingin at pag tingin nyang muli sa bintana ay wala na ang naturang babae at nakapatay na ang ilaw, na kung iisipin mo ay nakapagtataka.

Source: Pep Celeb Katakot Story

Kylie Padilla “Pamilyang Multo”

Photo Credit: WallPaperCave

Ang kwentong kababalaghan ni Kylie ay nangyari noong nakatira pa sila sa Australia ng kanyang pamilya. Sila daw noon ay nakatira sa isang mansion doon. Naalala nya na minsan habang sya ay pababa sa hagdan ng kanila noong malaking bahay ay naramdaman niyang may sumusunod sa kanya, paglingon daw nya ay kitang kita nya ang imahe ng isang babae na kamukha ng kanyang kapatid ngunit wala itong mukha, nabalot daw sya ng takot ngunit ito ay hindi na nya ikinuwento sa kanyang pamilya at pinagwalang bahala na lamang.

Isang gabi ay naglalaba ang kanyang ina sa baba ng kanilang bahay habang sila ng mga kapatid nya ay nasa kwarto sa itaas ng meron daw sumisilip sa kanyang ina na kaparehas ng kanyang nakita sa hagdan, mabilis na tinawag sila ng kanilang ina dahil akala nito ay tinatakot lang siya ng mga ito, ngunit silang magkakapatid ay nasa kwarto.

Isang beses naman ay paakyat sya sa hagdan ng kanilang bahay ay mayroon naman syang nakitang batang lalake na walang mukha na sumisilip sa kanya, iyon ay hindi rin nya kinuwento sa kanyang pamilya at sinarili na lang ang kanyang takot. Di nagtagal ay bumisita ang kanyang mga kamag-anak sa bahay, ang kanyang lola ay biglang nagkwento na may nakita daw syang batang lalake na naglalaro sa swimming pool na kapareha ng nakita ni Kylie. Ang kanyang papa naman ay nakikita raw ang isang imahe ng babae na mukhang ina. Nakwento din pabiro ng kanyang papa na dating libingan ang kinatitirikan ng kanilang bahay.

Source: Source: Pep Celeb Katakot Story

Vice Ganda “Multo sa GGV Studio”

Photo Credits: Pep

Sa isang halloween episode ng “Gandang Gabi Vice” ay nagimbita si Vice ng mga paranormal experts. Isa sa mga tanong ni Vice ay kung mayroon daw bang multo sa loob ng GGV studio ng mga panahong iyon. Ito naman ay mabilis na sinagot ng tatlong guest nya na paranormal expert, na kung saan ang sagot ay oo meron at ito ay nakatayo sa likuran nya.

Sa patuloy na pag interview ni Vice sa mga paranormal experts ay sinabi ng mga ito na hindi masya ang multo at baka ang multo ay naiinggit sa kanya at gustong maging isang TV host nung ito ay nabubuhay pa. Ngunit ng tanungin nyang muli ang mga paranormal expert ay nawala na daw ang multo at baka alam na daw nito na pinaguusapan sya at baka maaring sundan daw nito si Vice sa kotse, ito man ay “scripted” o totoo ay sila lamang ang nakaka alam.

Source: ABS CBN Youtube

Matteo Guidicelli “Kotse”

Photo Credits: C-Magazine

Meron di umano si Matteo na pinapangarap na Kotse. Isang araw ay tiningnan nila ito kasama ang kanyang Uncle. Nagustuhan nila ito at napag-desisyonang bilhin. Habang tinitingnan nila ang sasakyan, sinubukan ni Matteo na pumasok sa loob ng sasakyan at maupo para ma-check ito, kinuhanan din sya ng isang kaibagan ng litrato habanag naka upo sa driver seat ng sasakyan.

Kinabukasan habang nasa set ay tiningnan ni Kim Chiu at Maja Salvador ang picture ni Matteo na nakaupo sa driver seat ng sasakyan. At sa kanilang gulat ay may nakita silang babae na nakaupo katabi ni Matteo at ang itsura nito ay isang sunog na bangkay ng babae, laking pagtataka at gulat nila lalong lalo na si Matteo dahil bagong bago ang sasakyan na kanilang tiningnan.

Napagdesisyonan niyang ipakita ito sa pari dahil hindi na siya makatulog ng dalawang lingo at napa-paranoid na. Nag alay din ng misa si Matteo dahil nga hindi siya makatulog. Napagdesisyonan nilang isoli na lang ang sasakyan. Sino nga ba ang babaeng ito at bakit nila ito nakita sa bagong sasakyan, hindi kaya’y hindi ito sa sasakyan naka kapit at si Matteo ang kanyang sinusundan?

Source: Philnews

Leave a Reply

Your email address will not be published.